Karen's POV
Nabanggit ko kay Sam yung sinabi sa 'kin ni Hani at obvious naman na nahihirapan din siya sa sitwasyon.
"First time niyo ba mag-away ng ganito?" Tanong ko.
"Yeah, it's my first time to be this jealous with someone."
I bite my lower lip. Ganyan din ako before sa tuwing may kasamang ibang babae si Mik---nevermind.
"Did you talk to her already?" He shook his head.
"Tss, paano niyo ma-oovercome itong problema niyo kung hindi kayo mag-uusap ng maayos?" I rolled my eyes.
Hays, kawawa naman si Sam. Problemado na nga sinermonan ko pa."Do you think she will forgive me?" Ang cute ni Sam, napaka-inosente ng itsura niya kahit mas matanda siya sa akin.
"Oo naman! Make some efforts and for sure, mapapatawad ka niya agad-agad." Sabi ko sa kanya.
"Thank you sa advice. Pero sa tingin ko hindi lang ako ang nangangailangan ng advice ngayon." Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ba niya?
"Mmm?" Speechless. Ayokong pati si Sam mag-worry dahil may sariling problema rin siya.
"You, Jerome and Mikko. Alam kong hindi pa rin kayo nagkakaayos."
"Ah, ayun ba? To be honest hindi pa rin ako sure sa sarili ko kung naka-move on na nga talaga ako." Napayuko ako.
"Kung hindi mo mamasamain. Ano ba talaga ang dahilan ng break up niyo?"
I shrug. Nanlaki ang mata ni Sam.
"Seryoso?! Hindi mo alam?" Medyo napalakas yung boses ni Sam kaya napatingin yung mga taong nasa paligid namin. Agad naman nilang inalis ang atensyon nila sa amin after ng ilang segundo. Phew!
Sumenyas ako ng 'lower your voice' kay Sam at nag-nodd naman siya.
"Yes, till now isang malaking mystery pa rin sa akin kung bakit siya nakipagbreak. I'm clueless."
Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga sinabi ni Mikko before we broke up.
I love you. I really do. But, you need to understand that sometimes not all things will work out until the end. May hangganan ang lahat, including us.
I still don't understand.
Hinawakan ni Sam ang kamay kong nakapatong sa table. "Ayokong ako ang magsabi sa 'yo nito pero... mas makabubuti kung aalamin mo kung ano ang dahilan niya kung bakit siya nakipagbreak sa 'yo para na rin sa peace of mind mo."
Tama si Sam pero hindi ko na kayang kausapin si Mikko. Wala na akong lakas ng loob para harapin siya.
"Hindi na siguro. I heard na dumating na si Lian, yung childhood bestfriend niyo? At sa tingin ko may feelings na ulit sila sa isa't isa." Kumunot ang noo ni Sam. He looks at me with confusion.
"Oo, pero magkaibigan lang sila at kahit kailan hindi nagustuhan ni Mikko si Lian." Nagulat ako sa nalaman ko.
"H-hindi si Lian ang first love niya?" Sam nodded.
"No, it's you Karen. Ikaw ang first love niya."
***
So what? So what? So what?
Ano naman kung ako ang first love ni Mikko? Not all first loves work. At tsaka hindi ba pwedeng ma-inlove si Mikko kay Lian this time? Dahil mas gumanda si Lian ngayon at mas matured na silang dalawa ni Mikko? Geez! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?
Umupo ako sa sofa at nagbukas ng Twitter sa phone.
Bored akong nag-scroll hanggang sa may narinig akong sunod-sunod na beep, tunog sa tuwing may nag-eenter ng pass code sa pinto.
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...