Chapter 23

806 19 1
                                    

A/N: Please read the first book (My Casanova Boyfriend) of I'm Dating An Idol para makilala niyong mabuti yung mga characters and malaman niyo kung paano sila napunta sa story. Thank you!

Ailee's POV

"You guys are so maingay. I can't focus here oh."

Kurt turned off the music.

"Hello? Rehearsal room kaya namin 'to." And then in-on niya ulit and make pihit the volume para mas lumakas pa. Gosh! Why is he so pilosopo ba? I hate him so much.

They started dancing again. I am here lang naman because of Jared noh, ayaw niya kasing mag-date kami because his fans will follow us na naman and I don't want that to happen din. They are so scary kasi kaya nagtitiis ako dito sa rehearsal room ng MS Ent.

"Babe, nauuhaw ako." Tumabi sa akin si Jared sa sofa and ew ang kadiri niya na, puro sweat.

"Don't babe me. May kamay ka kaya." He rolled his eyes. Tss, how dare him?

Tumabi naman sa 'kin si Kurt sa right habang nagpupunas ng sweat. Isa pa siyang ewwww. "Hays, ang unromantic ng girlfriend mo Jared."

"Anong sabi mo?!" He smirked.

Tumingin ako kay Jared at nagsumbong sa kanya. "Jared oh! Inaaaway na naman ako ni Kurt. I'm romantic naman diba?" Kumuha ako ng bottled water to gave it to him.

"Oo, ang sweet sweet mo." He said pero alam kong sarcastic 'yun cause he is an ass.

Pinagtutulungan ba nila ako? Gosh!

"I hate you both!" I hampas them using my pink bag and walk out. I'm going to become a madre nalang. Hmp. I don't need a boyfriend anymore.

Jared's POV

"Bakit umalis si Ailee?" Jerome asked. Natawa nalang ako at inubos yung tubig sa bote.

"Magmumuni-muni lang 'yun saglit. Mamimiss din niya ako." Napasandal ako sa sofa. Grabe, napagod ako dun ah. Mukhang injured pa yung kamay ko kaya hinilot hilot ko muna.

Umupo siya sa gitna namin ni Kurt na busy sa phone. Inagaw niya yung towel kong nakasabit sa balikat ko at pinunas sa pawis niya. Tss, doctor ba talaga 'tong katabi ko? Hindi ba sila tinuturuan ng proper hygiene?

"What happened to your hand?"

Kinuha niya yung kamay ko at diniinan. "Aray! Kailan ka pa naging ganyan ka-brutal, Jerome?"

Nabitawan ni Kurt yung phone niya at tumingin sa ginagawa ni Jerome. "Huy, anong nangyari?"

"Nondisplaced fracture. Kailangan na putulin ng kamay mo as soon as possible."

O____O

P-putulin?

Nagkatinginan kami ni Kurt. Namumutla na siya at mukhang ganun din ako, kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon.

Ngumiti si Jerome. Anong karapatan niya ngumiti sa mga ganitong sitwasyon?! Hindi siya tunay na kaibigan!

"O bakit kayo namumutla?"

"T-totoo ba yan sinasabi mo ha?"

Binatukan niya kaming pareho ni Kurt. "Kidding, go to the hospital later para malaman kung fracture talaga yan. Magpalagay ka na rin ng cast kung kinakailangan. Wag ka muna magpapractice hangga't hindi kita pinapayagan, understood?" Tumayo siya at iniwan kami ni Kurt na namumutla pa rin hanggang ngayon.

Grabe, akala ko mawawala na ng tuluyan ang kaliwang kamay ko. Ang dami ko ng chix na nahawakan dito noh, tss.

***

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon