Chapter 7

920 31 1
                                    

Karen's POV

"Karen, ayos ka lang?"

"Karen, sorry na hindi ko naman alam na takot ka pala sumakay sa motor."

"Huy, tatawag nalang ako ng driver mamaya para ipag-drive ka pauwi."

"Huy!"

Natauhan lang ako nang hawakan ni Keith ang balikat ko. "Ha? A-ano 'yun?"

Napa-face palm siya habang inuulit yung mga sinabi niya.

"Hindi ako takot sumakay sa motor, nagulat lang ako." Umupo ako sa bench na nasa sidewalk.

Tumingin ako sa paligid, nasa Roxas Boulevard ba kami?

Walang masyadong tao sa paligid dahil gabi na rin. Piniling lugar din siguro 'to ni Keith para hindi siya pagkaguluhan ng mga tao. Hindi ko naman alam na sobrang sikat pala ng lalaking 'to.

Nakatayo si Keith sa harap ko habang nakasandal sa puno. "Nagulat ka saan? Dahil nakita mo si Mikko?"

Napatingin ako kay Keith. "Paano mo---"

"Bisita ko siya kaya malamang kilala ko siya." He rolled his eyes.

Napabuntong hininga ako. "Paano na nga pala yung party mo? Nakakahiya sa mga bisita."

"Ice lang yan. Sila na muna bahala dun. At tsaka hindi pinayagan ang media na mag-coverage sa party kaya ligtas tayo."

Buong magdamag kaming tahimik hanggang sa may dumating na dalawang lalaking sakay ng dalawang motor. Mukha galing din sila sa party dahil pareho silang naka-suit. Ang gagwapong riding in tandem naman ng mga tropa ni Keith.

Tumayo si Keith at pinakilala ako sa dalawa. "Karen, this is Hans, lead vocalist at guitarist ng CThunder at ito naman si Kris, ang drumner namin."

"Yo," Sabi nung Hans tapos nakipag-apir sa 'kin.

"Hi, beautiful lady!" Sabi pa ni Kris na kinagimbal ng sistema ko.

In fairness, ang gagwapo rin nila kaya no wonder kung bakit nagustuhan sila ni Hani. Alam niyo naman 'yun basta gwapo kababaliwan na niya pero wala pa rin makakapantay sa pagmamahal niya kay Kurt. Such a loyal fangirl of him.

Hindi na ulit ako nagtangkang sumabay kay Keith sa motor niya. Aatakihin lang ulit ako sa puso. Yes, I lied. Takot talaga ako pero nawala ang lahat ng takot ng makita ko si Mikko.

Moving on,

Nagpasundo nalang ako sa Roxas Boulevard at tsaka lang umalis yung tatlong itlog nung dumating na si manong. Naalala ko tuloy ang Empires dahil sa kanila.

Hans - Nakuha niya yung cute image at sense of humor ni Kurt. Ang ganda pa ng boses. Well, kumanta siya ng chinese songs kanina kasi napagalaman ko ring half chinese siya kaya nagpasampol ako. Nahilo lang ako ng kaunti dahil wala akong naintindihan pero ayos lang basta maganda talaga ang boses niya.

Kris - Serious type parang si Jerome, matangkad parang si Jared pero nakakatawa siya kahit hindi siya nag jojoke. Ewan ko ba.

Keith - Bukod sa adik siya, sabog din siya + malakas ang charisma parang si Mikko at adik ulit.

Shems, pati ba naman sa CThunder, Empires pa rin ang naaalala ko?

Nasa kanto pa lang kami ng street namin nang may natanaw akong figure ng lalaking nakatayo sa harap ng gate.

"Stop the car po manong." Lumabas ako ng kotse kahit ilang metro pa ang layo ko mula sa bahay.

Muntik ko nang mabitawan ang susi ng bahay na hawak ko nang makita ko siya.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon