Karen's POV
3AM
Nakatingin lang ako sa picture naming dalawa habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Great. Nawalan na ako ng gana sa graduation. Para saan pa? Wala naman na kami diba?
Akala ko panaginip lang na wala na kami pero malabong maging panaginip 'yun dahil wala pa nga akong tulog.
Humiga ako sa sofa at tumitig sa kisame.
Ugh, Karen! Baliw kana ba? Nag-break lang kayo hindi ka pa mamamatay.
Hindi dapat ako magpaapekto ng ganito pero hindi ko kaya. Bakit niya ba ako pinagtutulakan? Hindi ko talaga maintindihan kahit saan anggulo ko tignan!
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa tabi ko.
Jerome calling...
Napaupo ako.
Kapag nalaman niyang umiiyak na naman ako sigurado akong mag-aaway na naman sila ni Mikko at maiinis siya sa 'kin dahil nag-promise akong hindi na ulit ako iiyak. Ayoko na, tama na 'tong nararamdaman kong sakit wag na nila dagdagan.
"Hello, Karen?" Hindi ako nagsalita.
"What happened?" Hanggang sa huli siya pa rin pala ang natitirang taong may paki sa akin.
"J-jerome..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang humagulgol.
Hawak-hawak ko ang bibig ko. Hindi na siya nagsasalita pero hindi niya rin binaba ang telepono.
"I'm coming."
Wala pa akong ibang sinasabi pero alam niya na agad sa tuwing kailangan ko siya.
Naghintay ako sa pagdating niya. Nakakainis, ayokong makita niyang ganito ang itsura ko. Mukha akong kawawa at kasalanan 'to ni Mikko.
Ilang minuto lang, may narinig akong kaluskos sa labas. Dumating na yata si Jerome. Hindi na ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Nanghihina pa rin ang tuhod ko at baka bumagsak lang ako kapag pinilit ko pa ang sarili ko.
Dumating si Jerome na hingal na hingal. Hindi siya nagsalita at sandali kaming nagtitigan. Napipi ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Sinabi ko na sa 'yong ayoko makitang umiiyak ka diba?" Mabilis siyang lumapit sa 'kin at umupo sa tabi ko.
"J-jerome, wala na kami." Automatic akong napayakap kay Jerome at umiyak nang umiyak. Sariwang-sariwa pa rin sa 'kin yung nangyari kanina. Ang sakit sa puso.
Nakapatong ang baba niya sa ulo ko. Nakakahiya at basa na ang suot niyang black T-shirt ng luha ko.
Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa 'kin. "Wag kang magagalit kapag ginawa ko yung sinabi ko before. Tama na Karen, sobra na. Pagod na akong makitang umiiyak ka."
***
Graduation Day
Sabog akong pumunta ng Southmoor Grand Theater para sa graduation. At yep, wala pa rin akong tulog. Pinipilit nga ako ni Jerome na umiglip kahit isang oras lang pero hindi ko magawa. Pati tuloy siya napuyat dahil sa 'kin.
Nakaupo ako at naghihintay tawagin ang pangalan ko para umakyat sa stage. Pinilit kong ngumiti dahil sa wakas, graduate na ako. Pero may kulang pa rin e, kulang na kulang. At alam kong si Mikko 'yun.
"Huy, Karen! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Si Hani.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Bakit namamaga yang mata mo? Anong nangyari?" Best friend ko nga talaga sila ni Jerome. Alam nila ang difference kung okay lang ako at kung may mali sa 'kin.
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...