Chapter 13

908 25 0
                                    

Karen's POV

"Karen!" Si Keith, si Keith! Ano gagawin ko? Magpapanggap ba ako na hindi ko siya nakita?

Dire-diretso akong naglakad sa grounds at nagkunwaring walang naririnig.

Wag kang lilingon, wag kang lilingon, wag kang lili--- "Huy, iniiwasan mo ba ako?" Napalunok ako ng laway nang harangan niya ang dinadaanan ko gamit ang mahahaba niyang galamay.

Hindi ako nagsalita habang inaalala ko yung ginawa niya kahapon. Huhuhu, ang dumi na ng buong pagkatao ko.

"Manyak ka! Manyak!" Pinagbabatukan ko siya since wala naman makakakita sa amin dito dahil nasa kanya kanyang room ang mga estudyante.

"Aray!---ano ba---huy!" Iba't ibang style na ng ilag ang ginawa niya para makaiwas sa bawat hampas ko. Dapat lang sa kanya yan! "Ito pa!---Ayan!---Manyak!"

Tumigil lang ako sa pananakit sa kanya nung nangalay na ang kamay ko at namula na ang magkabilang braso niya. Syempre naawa rin ako kahit minsan na nya pinagsamantalahan ang pagkababae ko. "Ano bang ginawa ko?!"

"Y-yung ginawa mo sa 'kin kahapon sa kotse mo!" Kunot noo siyang nagisip ng ilang segundo sabay tawa ng malakas. Hindi ko na kaya ang kabaliwan ng Keith na 'to.

"Ah ayun ba? Inaasar lang naman kita non. Asa ka naman." Sabi niya pa sabay scan sa 'kin mula ulo hanggang paa.

Napayakap ako sa sarili ko at napa-sign of the cross. Jusko Lord, saan ba planeta galing 'to?

"Anong nangyayari dito?" At biglang lumitaw si Hans out of nowhere.

Nagpalit-palit ang tingin niya sa 'min ni Keith. "Bakit nakasimangot ka?" Sabay turo sa 'kin.

"Nagpapacute lang yan sa 'kin." Aba't, ang kapal talaga ng mukha.

Inakbayan ni Hans si Keith. "Tara na, mahuhuli na tayo sa flight."

FLIGHT?

O_____O

"Ngayon na kayo aalis? Agad agad?" Nag-nod sila.

"Nasaan yung mga maleta niyo?" Tanong ko.

"Nasa van na, sinundo ko lang talaga si Kai dito. Siguro naman nakapagpaalam kana sa kanya ng maayos?" Nakakaiyak. Binugbog ko pa siya kanina. Hindi manlang niya kasi pinaalam na ngayon na pala ang lipad nila papuntang Korea.

"So... Goodbye na talaga 'to for real?" Hala, bakit ako naluluha? Hindi ba dapat matuwa ako kasi wala ng adik na aaligid-aligid sa paligid?

"O bakit ka umiiyak?" Hinawakan ni Keith yung magkabilang balikat ko.

"Hindi ako umiiyak." Yumuko ako pero inangat niya pa rin ang chin ko.

May inalok siyang panyo sa 'kin na hindi ko naman tinanggihan dahil kadiri na ang itsura ko kung makikita pa ng iba. "Wag mo na ibalik, kadiri na yan." Siraulo talaga siya.

"Yo!" Si Kris. Nandito rin.

Tinitigan ko ng maigi ang mga mukha nila. Kinakabisado ko ang bawat features dahil hindi ko na alam kung kailan ko ulit sila makikita sa personal. T.T

"Wag ka nga umarte na parang mamamatay na kami." Hinilamos ni Keith yung palad niya sa kamay ko. Pwe! Pasmado!

"Tss, kahit na!" Nag-cross arms ako.

"Makikita mo naman kami sa TV. Baka makalaban pa nga namin ang Empires sa mga music show." Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip 'yun bago ako magdrama?

"Nakausap ko na si Mikko kanina. Nakapagsorry na ako sa kanya. Quits na tayo ha?"

Lutang ako kaya hindi agad na-absorb ng utak ko yung sinabi niya. Totoo ba 'to? Nagusap sila ni Mikko?

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon