Chapter 5

970 29 0
                                    

Karen's POV

BUWAH *sound effects ng naduduwal*

"Sinuko mo na ba ang bataan kay Mikko, Kar?" Nawindang ako sa tanong ni Hani kaya nabato ko sa kanya yung remote na hawak ko. 

"Adik, nasobrahan lang ako ng kain. Ang dumi ng utak mo." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang tyan ko.

"Ano ba!" Hinampas ko ng mahina yung kamay niya at nagpatuloy sa panunuod ng Spongebob. Wala na, patapos na.

"My Gahd! Akala ko naman bumigay ka agad. Kapag lumapit sa 'yo si Mikko at alam mong may masama na siyang balak gamitin mo lang 'to." May inabot siyang kakaibang spray bottle, ano ba 'to?

Inalog alog ko yung bote at tinapat sa mukha niya. Para saan ba kasi 'to? "Wag! Delikado yan!" Halos malaglag siya sa kama ko dahil sa pag-iwas niya.

"Sumasabog ba 'to? Nako, Hanika wag mo ako idamay sa mga ganito. Baka naman ilegal 'to ha?" Nilapag ko yung kakaibang bote sa unan.

"Pepper spray 'to. Basta kailangan mo nito." Kinuha niya yung shoulder bag ko tapos pinasok niya sa loob yung pepper spray. Baka pwede ko rin magamit kay Keith 'yon.

Speaking of Keith, in fairness, mas behave na siya ngayon pero syempre si Keith 'yun kaya nagkukrus pa rin ang landas namin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit big deal masyado sa mga tao yung pagtawag kong Keith sa kanya. Ay ewan.

Sinusubukan kong itanong sa kanya yung tungkol dun pero pinapatay lang niya ako sa smirk niya kaya hindi na ako umulit.

Adik na Keith calling...

Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang number ko.

"Ano?" Napatingin ako kay Hani na nakatulog na sa kama ko kaya lumabas ako ng balcony para hindi siya maistorbo. I'm such a good samaritan.

"Sungit mo talaga sa 'kin."

"Tss, paano ako hindi magiging masungit? Tumingin ka nga sa orasan."

Nakarinig ako ng ilang kaluskos sa kabilang linya. "Umh, 10:23 PM na?"

"Exactly." Sumandal ako sa terrace.

"Sige, nakaistorbo na naman yata ako sa 'yo." Magsasalita pa sana ako ng mag end call siya.

Hala! Nagalit ba 'yun?

Ito ang ayaw ko e, yung naguguilty kahit wala akong ginagawa.

Mas mabilis pa sa speed of light ko siyang tinext.

To Adik na Keith:

Huy Kai, sorry na.

Adik na Keith typing...

From Adik na Keith:

Galit ako.

=___=

***

Tingin sa kanan.

Tingin sa kaliwa.

Totoo ba 'to? Wala si Keith sa paligid? Magpapasalamat ba ako kay Lord or magtataka ako?

Masayang masaya ako dahil wala si Keith pero sinira ni Dean ang lahat nang makasalubong ko siya sa hallway.

Tinawag ko na lahat ng santo at santa. Please lang, wag mo muna ako sermonan.

"Good morning." Imbis na sermonan niya ako sa hindi ko pag-attend ng meeting, ngumiti lang siya at kumaway sabay nagpatuloy sa paglalakad. Aba, mukhang nasa good mood ang fil-am-kor na 'yun ha.

Narinig ko ang boses ni Maris sa loob ng SSG Office, kaya pala good mood yung masungit na Ex-president.

"Good morning, Karen! Join me here." Napatitig ako sa table na puno ng pagkain. Teka, galing ba kay Dean ang lahat ng 'to?

"Maris? Kanino galing 'to?" Nagtataka kong tanong bago umupo sa tabi niya.

"Kay Mikko." Nasamid ako.

"Kay Mikko?!" Nag-nod siya. "Sabi niya kasi, mawawala siya ng dalawang araw kaya ito, nagpadala nalang siya dito ng pagkain para sa 'yo. At sinabi niya pa na tayo nalang daw muna ang mag-date kaya mag-sshare tayo. Ang cute lang."

Hindi manlang niya naisipang tawagan ako para magpaalam. Tss. Hindi naman namin kayang ubusin lahat ng pagkaing nandito na kaming dalawa lang ni Maris. Minsan talaga hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak ni Mikko.

"E si Dean? Dumaan ba siya dito?"

"Yep, kani-kanina lang."

Parang may milagrong dumaan sa mesa at naglaho lahat ng pagkain. Nilantakan namin ni Maris kasama ng iba pang student council yung mga pagkaing pinadala ni Mikko kaya ayun simot lahat. Walang labis, pero kulang.

Sinipag akong magbasa pagkatapos kumain kaya naisipan kong dumaan sa library.

Tingin ako ng tingin sa phone ko habang nakapangalumbaba sa table. Walang ibang nagtetext kundi si Keith pero hindi siya ang gusto kong mag-text ngayon.

Sobrang busy ba talaga ni Mikko kaya kahit isang "Hi" or "Hello" hindi niya magawa? Ilang araw ko na rin siya hindi nakikita at nakakausap at mas nanlalamig pa ako sa kanya kesa sa aircon dito sa library.

Feeling ko nag ooverthink lang ako masyado. Gets ko naman na busy siya dahil sa papalapit nilang debut pero sana naman kahit isang minuto lang magbigay siya ng oras para sa 'kin. Masaya na ako dun. Masaya na akong maramdaman na may boyfriend akong may paki sa 'kin.

Hays Karen, umayos ka nga.

Sinubsob ko yung mukha ko sa librong binabasa ko. Mas feel kong matulog nalang baka sakaling mapanaginipan ko si Mikko---Aish! Ewan. Itutulog ko nalang talaga 'to.

Naramdaman kong dahan dahan umaangat ang bangs ko. Hindi ko pinansin nung una dahil baka part lang ng panaginip pero hindi e, wala pa akong limang minutong nakapikit so paano ako mananaginip?!

Mabilis ko inangat ang ulo ko.

"Ano ginagawa mo dito?!" I gaped.

"Hindi ka kasi nagrereply sa mga text ko kaya pinuntahan kita dito." Sabi niya sabay bitaw sa bangs ko.

Nakaupo siya sa harap ko habang nakapangalumbaba sa table. Kanina pa ba 'to nandito?

"Wala ka bang pasok, Keith?"

He shrugged. "Ewan, hindi pa kumpleto sched ko tuwing friday e."

Nawala ang antok ko nang tinukod niya yung dalawang kamay niya sa lamesa at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "H-hoy!"

Wala akong pake kung library 'to, hindi ako magdadalawang isip na sumigaw ng rape!

Kinapa kapa ko yung bag ko sa upuan sa side ko at nilabas yung pepper spray na binigay ni Hani.

Napalayo siya nang itapat ko 'yun sa mukha niya. Aba, effective 'to ha.

"S-subukan mo lumapit!" Humalgalpak siya sa kakatawa.

"Shhh!" Saway sa amin ng umiikot na librarian kaya natahimik kaming pareho.

"Nababaliw kana ba?!" Pasigaw kong bulong. (Hanudaw?)

"Hindi pa pero nakakatawa ka, kasalanan mo 'to." He chuckled.

Binatukan ko siya. "Ikaw lang naman yung bigla-biglang sumusulpot!"

Nag-smirk siya, nanghina ako.

"Ang cute mo talaga. Ito oh, punta ka sa birthday party ko ha? Aasahan kita." Nilapag niya sa table yung enveloped at ginulo ang buhok ko.

Saan ba ako magugulat? Sa pag-invite niya sa akin o sa pag-sabi ng ang cute ko raw?

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon