Chapter 11

885 24 0
                                    

Karen's POV

"Bakit last ride ko na 'to? Akala ko ba bati na tayo?" Napa-facepalm si Keith habang hinahampas hampas ko ang dibdib niya.

"Adik, oo nga."

"Eh bakit nga? Aalis ka rin ba kagaya ng ginawa ni Jerome dati?" Nag-pout ako tapos tinulak niya yung mukha ko gamit yung palad niya. Argh Keith Andrew!

"Assumera! Magka-comeback kasi kami kaya kailangan namin bumalik sa Korea, okay?" Pagpapaliwanag niya.

"Ganun ba? Kailan ang balik niyo?"

"Hindi pa ako sure e, baka 6 months din kami dun." Ang tagal! Ma-mimiss ko ang kasabugan ng tatlong itlog huhuhu.

Ginulo ni Keith ang buhok ko sabay suot sa 'kin ng helmet. "Ayokong nakasimangot ka, wag mong tatanggalin yan hangga't ganyan ang itsura mo."

Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa 'kin at napayakap nalang ako sa kanya bigla. Kahit ilang linggo pa lang kami magkakilala ng adik na 'to nag-enjoy din ako kahit puro kapamahakan lang naidudulot niya sa 'kin noh.

"H-huy Karen! C-chansing ka ha!" Nakataas lang ang dalawang kamay niya sa ere.

"Adik ka talaga. Chansing agad? Hindi ba pwedeng goodbye hug?" Kumalas ako sa pagkakayakap tapos inayos ko yung helmet sa ulo ko na tumabingi dahil sa pagyakap ko sa kanya.

"Tss, ang drama mo. Kapag ako nainis, aagawin talaga kita kay Mikko."

"Keith!"

"Joke lang! Sakay na. Iwan kita dito e."

***

Hinatid ako ni Keith sa tapat ng Southmoor University pero bago 'yun, dumaan muna kami sa drug store para bumili ng mask. Mahirap na, baka pagkaguluhan siya dito at ma-issue pa kaming dalawa.

Papasok na sana ako sa loob nang mapansin kong nakahinto lang siya sa tapat ng motor niya at hindi sumusunod sa 'kin.

"Hindi ka sasama?" Umiling siya. "Hindi na siguro. Ikaw nalang bahalang magpaliwanag sa kanya."
Tapos nag-wave siya ulit bago pa ako tuluyang makapasok sa loob.

Sana hindi pa 'to ang last na pagkikita namin.

Pinapractice ko ang sasabihin ko kay Mikko habang paakyat ako sa hagdan. Paano kung hindi niya ako mapatawad? Pero sure akong maiintindihan 'yun ni Mikko. Kahit pa lumuhod ako sa harap niya gagawin ko patawarin niya lang ako.

"Huy!" Halos malaglag ako sa hagdan nang may kumalabit sa 'kin.

"Kurt naman e, nakakagulat ka ah." Tinapatan niya ako kaya sabay ang bawat steps namin sa pag-akyat.Ang cute!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kurt.

"Mag-sosorry kay Mikko." Natigilan siya nung nasa tapat na kami ng room nila.

"Goodluck! Sa likod siya nakaupo. S-Hour 'yun ngayon kaya mag-ingat ka." Tapos nauna na siyang pumasok sa loob at naiwan akong nag-wawarm up sa tapat ng pinto.

Kaya ko 'to.

Pagkabilang ko ng tatlo, binuksan ko ng kaunti ang pinto. Tama lang para makasilip ako. Nasa pinakahuling row nga si Mikko habang kinakalikot ang phone niya. Walang ibang tao sa room kundi ang Empires at CThunder minus Keith na busy sa kanya-kanya nilang buhay. Nagigitara yung dalawang itlog habang nakaupo sa table ng prof tapos si Jerome, Sam, Kurt at Jared nakabilog sa tabi ni Mikko. Buti nalang hindi nagsasabong ang mga 'to jusko.

Maya-maya lang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko.

From Kimchi:

Are you going to stand there forever?

O___O

Bakit ba alam na alam niya kapag nasa paligid lang ako?! Lakas ng Karen radar!

Halos matuyo ang lalamunan ko sa kalulunok bago pumasok sa loob.

Napatigil sila sa mga ginagawa nila at lahat sila nakatingin na sa 'kin. May imaginary sungay at buntot din na lumabas kay Mikko. Oh noes.

"Ah-eh-ih-oh-uh" Ito na, nasa harap na ako ni Mikko. Nakaupo siya habang nakadekwatro. Wala rin akong mabasang emosyon sa mukha niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Go, Karen!" Pag-ccheer ni Kurt with matching taas ng ballpen na hawak niya.

Tumingin ulit ako kay Mikko. "M-mikko---k-kasi---ano,"

Napa-lip bite nalang ako. Kailan pa ako nahiya sa harap niya ng ganito?

"I'm sorry, ngayon ko lang nalaman ang totoong nangyari. Inamin sa 'kin ni Keith ang lahat."

Yumuko ako habang hinihintay ang response ni Mikko sa sinabi ko. Ayun ay kung mag-rerespond siya agad. Kung hindi naman okay lang din---aish! Syempre hindi okay!

Nawalan na ako ng pag-asa dahil wala akong naririnig sa kanya kahit isang "stupid" lang pero naghintay pa rin ako. Hindi ako aalis dito kahit ngalay na ngalay na ako.

Nawindang ako nung hinawakan niya ang chin ko at inangat sabay sabing, "Tss, I want to be mad at you but I couldn't." Ang lapit ng mukha niya sa mukha na sa kaunting galaw ko lang mag no-nose to nose na kami.

*O*

"Bati na tayo?" I asked.

"Not yet, not until..."

Kinabahan ako ng slight, baka kung anong pagawa nito sa 'kin.

"Until?"

"Not until you date me." He smirked
Naghiyawan yung dalawang itlog plus Empires minus Jerome na ngumiti lang.

and the rest was history.

Kinaladkad niya ako hanggang sa kotse niya. At pinagbuksan niya pa ako ng pinto huh?

"Mikko?" Pagtawag ko sa pangalan niya habang nasa kalagitnaan kami ng daan.

"Hmmm?" Tumingin siya sa 'kin saglit at binalik ulit ang tingin niya sa harapan.

"Diba sabi ko sayo inamin na sa 'kin ni Keith yung nangyari?" Na-traffic kami kaya chance na niya para tumitig sa beauty ko.

"What's the matter? Binaliktad niya ba ako sa kwento niya?"

Umiling ako. "Hindi, kasi ano---hindi niya pa rin sa 'kin inaamin kung bakit issue sa inyo yung pagtawag ko sa kanyang Keith."

Napabuntong hininga siya.

"It's because he will never allow anyone to call him by his real name unless you are a member of CThunder, his family member or..."

"Or ano?"

"Or he likes you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto ako ni Keith?! First Jerome and then Mikko, ngayon naman si Keith? So ako ang major kontrabida sa mata ng mga fangirls?

"I don't get it, why are they so attracted to you? Tss, is it hard to understand that you're already mine?" Kiniss ko siya sa cheeks pagkasabi niya nun. Nagulat naman siya tapos nag-smirk.

"Ang clingy naman ng boyfriend ko." Nag-cling ako sa braso niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Move, I can't drive." Tss, sungit.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon