Chapter 29

766 21 0
                                    

Karen's POV

Rebound? Hanggang ngayon ba rebound pa rin ang tingin niya sa sarili niya? Ibang klase.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko sa table yung dalang macaroni ni Jerome kanina. Tinakpan ko 'yun at nilagay sa ref. I already lost my appetite, I can't eat this without him.

Sinilip ko ang phone kong nakapatong sa study table habang nagsusuklay ng buhok. Hindi pa rin siya nag-tetext, hindi ko sinasadyang masampal si Jerome. Nabigla lang talaga ako sa sinabi niya.

"Damn, Karen!" This is all my fault. Sana hindi nalang ako nagyayang bumili ng bubble tea para hindi nalang namin nakasalubong si Mikko at Lian.

I reached my phone to composed a message.

To Jerome:

I'm sorry---

No. Delete. I shouldn't text him now. Hindi rin naman siya mag-rereply. He needs a break, I need it too. Kilala ko si Jerome, hindi marunong magtanim ng sama ng loob 'yun.

Binato ko yung phone ko sa bed at sinubsob ang mukha ko sa unan. Ayoko na, pagod na pagod na ako.

I hate Mikko. I hate Jerome. And I hate myself even more.

Wala pang ilang minuto, biglang nag-vibrate ang phone ko. I fixed myself quickly but ended up disappointed because I thought it was Jerome who texted me.

From Kurt:

bak8 ganun chura ni Jerome? Ka2xuwi lang nya d2 sa dorm at namumula ung ilong niya!!! pinaiyak mo ba yun?!?!?! text back asap!!!

I was having a hard time understanding his text pero na-gets ko rin naman after 5 minutes.

Oh wait, he cried?! I made him cry!

To Kurt:

Let's meet. H Bar VIP lounge.

From Kurt:

K!!!!!

Galit na naman ba sa akin si Kurt? I already lost 2 men in 1 day. I can't afford to lose Kurt.

Nagpalit ako ng denim na long sleeve at white pants. I just put some red lipstick on para hindi naman halatang stress ako.

I drove hanggang makarating ako sa H Bar. Tss, ano bang naisip ko at ito ang ginawa kong meeting place? Halos lahat ng taong nakakabangga ko amoy alak it's suffocating me!

Finally, nasa VIP lounge na ako. At least dito bilang lang ang tao hindi katulad sa dance floor sobrang siksikan, my gosh. Paano sila nakakatagal dito ng buhay?

Hinahanap ko kung saan nakapwesto si Kurt. May napansin akong black haired guy na nakatalikod at nakasuot ng grey na polo habang nakatingin sa mga sumasayaw sa dance floor.

"Kurt!" I waved at him.

Hindi niya pa ako napansin nung una dahil sa lakas ng sounds kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Ay kalabaw! Tss, ang tagal mo hinaharass na ako ng mga babae dito!" Hinila niya ako at umupo kaming pareho sa magkaharap na sofa na may table sa gitna.

"Sorry. Nakilala ka ba nila?" He shook his head. Mabuti naman. I didn't wear any disguise, bahala na sila kung makita nila akong nasa bar na 'to at sabihan ako na party girl.

"Ano bang nangyari kay Jerome? Si Mikko rin, parang tanga kanina, hindi na naman nagsasalita kapag tinatanong namin ni Sam at Jared!" Panimula niya.

At kinwento ko na nga sa kanya na nakasalubong namin dalawa ni Jerome si Mikko na kasama si Lian.

Nag-form ng "O" yung bibig ni Kurt. "Si Lian ang kasama ni Mikko tapos si Jerome ang kasama mo?!"

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon