Chapter 3

1K 29 0
                                    

Jared's POV

"Kurt, nasaan yung perfume ko?" Kumpleto na lahat ng dadalhin ko sa dorm. Yung pabango nalang talaga na si Kurt na halos ang nakaubos ang kailangan ko.

"Ah hehe ubos na." Napa-face palm ako. Sabi ko na nga ba e.

Lumabas si Mikko galing C.R at tumingin sa aming dalawa. "Geez, we are 12 minutes late."

Chineck ko ang phone ko para tignan ang oras at patay, late na nga kami. Malilintikan na naman kami kay CEO Min nito.

Ang usapan namin 7:30 PM dapat nasa MS Building na kami pero hanggang ngayon hindi pa kami nakakaalis.

Saan ba kasi yung dorm na lilipatan namin? Malayo ba? Tss. Binilinan din kami ni CEO na wala dapat makakaalam ng address ng dorm para seguridad namin. Ang sakit sa ulo, ang daming bawal. Simula rin daw ngayon dapat naka-mask or cap na kami tuwing lalabas ng dorm para walang makakilala sa amin. How much more pa kaya kapag nilabas na ang album namin which is 2 months from now.

Everything will change.

Inikot ko ang mata ko sa paligid, baka kung kailan nandun na kami tsaka ko lang ma-realize na may naiwan pala ako.

"Ano 'to? Kaninong hair pin 'to?"

"Akin na yan." Inagaw sa 'kin ni Jerome yung hair pin at binulsa sa coat niya.

"Kanino 'yun?" Hindi niya ako pinansin at lumabas lang ng kwarto dala ang maleta niya.

Sungit.

***

Mukhang nandito na kami sa harap ng dorm. Actually, hindi mukhang dorm 'to dahil bahay na 'to. Tahimik ang paligid at wala masyadong tao. Malayo layo rin sa Southmoor at sa MS Building kaya parang tuloy kaming pinaghahanap ng batas. Tagong-tago!

"Ugh ang bigat! Tulong Jerome!"

=___=

Hirap na hirap si Kurt ilabas yung maleta niya sa compartment kaya tinulungan siya ni Jerome since si Jerome ang pinakamalapit sa pwesto niya ngayon.

"Yey! Thank you."

Hindi pa kami nakakapasok sa loob nang may dumating na van galing MS Entertainment.

Si CEO Min pala, may kasamang siyang unfamiliar na lalaki. At sa estimate ko, halos ka-edad lang din namin yung kasama niya.

"Here's the key." Binigyan ni CEO Min ng susi ang bawat isa.

"This is Kenneth Montojo, siya ang magiging manager niyo simula ngayon. Maliwanag ba?" Pagpapakilala ni CEO sa kasama niya.

Nagkatinginan kaming lima. Ice yan.

"Nice to meet you Empires." Ngumiti siya at kinamayan kami isa-isa.

Oks naman pala si Kenneth, ayaw niyang tinatawag na manager kaya Kenneth nalang. Sa Southmoor University din siya nagaaral, 3rd year college nga lang kaya hindi pamilyar ang mukha niya sa 'kin.

Kasalukuyan namin tinutour ang dorm. Sunod-sunudan lang kami kay Kenneth hanggang sa makarating kami sa master's bedroom. "Mine." Wala na, inangkin na ni Mikko.

"Fine. Sa iba tayo." Ayos lang din sa ibang kwarto pero mas type ko yung sa master's bedroom bukod kasi sa malaki na, black at red pa ang mga furniture sa buong kwarto kaso wala e, nauna si Mikko.

Maganda yung bahay, malaki rin at may mini arcade pa. May maliit na recording studio na kumpleto sa gamit.

Ayos na sana lahat ang kaso,

May napili ng kwarto si Jerome at Sam, kami nalang ni Kurt ang wala pa.

"Kainis 'to si Sam, dapat ako dun e." Reklamo ni Kurt habang pababa kami ng hagdan. "Bagal mo kasi."

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon