Sam's POV
"Ate Andy! Na-missed ka ni Kuya Sam." Aish! This brat inunahan pa ako magsabi nun kay Andy.
Kagagaling ko lang sa airport para sunduin si Andy. Katakot takot na disguise ang ginawa ko para lang walang makakilala sa akin hanggang sa makarating kami dito sa bahay ng safe.
At kung bakit nandito si Yuan? Hindi ko rin alam, nakita nalang namin siyang nakaupo sa tapat ng gate pagdating namin. May gusto yata 'tong batang 'to kay Andy e.
Iniwan ko sa sala yung maleta ni Andy at naupo muna sa sofa. Pinakuha ko rin si Yuan ng juice sa kusina.
"Hindi mo manlang ba ako yayakapin?" Reklamo ko. Ngumiti siya at nagtanggal ng boots na suot niya.
"Later, kapag wala na si Yuan." Bulong niya sa akin.
"Kung ano man yan iniisip mo, wag muna bata pa tayo."
Hinampas niya ako sa balikat. "Pervert!"
Tumayo ako at yumakap sa kanya. Damn, na-missed ko talaga siya.
Naputol ang yakapan namin nang mag-ring ang phone niya. "Sandali lang ha?" Tumalikod siya sa akin para sagutin ang tawag.
"Hello, Franco?"
SINO SI FRANCO?
Karen's POV
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan nag-ttraining si Jerome this month. Wala akong pasok ngayon kaya nagkatime ako na bumisita sa kanya. 2 days na kaming hindi nagkikita at kating kati na ako makita siya. Studying in Newvani University is so stressful. Kung nakaka-stress sa Southmoor University, ibang level ang stress ko dito. Kailangan ko talaga makita si Jerome para ma-inspire naman ako.
"Excuse me, have you seen Jerome Mercado?" Tanong ko sa nurse na nakasalubong ko sa lounge.
"Ah, yung poging medical student po ba?" Hindi naman halatang kinikilig siya huh?"Umh, oo?"
"Parang nakita ko siya sa 2nd floor kanina." Ngumiti ako at nagpasalamat.
Ganito pala dito huh? Nasaan kaya yung Jerome na 'yun? Nag-eenjoy ba siya sa mga magagandang nurses dito huh? Nakalimutan niya na bang may girlfriend siya? Tss, I'm annoyed! Kailangan ko na bang mag-shift sa nursing?Nagmadali akong umakyat sa inis. Nagsisisi akong hindi ako nag-elevator para mapabilis ang akyat---
"May bibisitahin po ba kayo dito miss?" Napalingon ako sa doctor na tumawag sa 'kin.
I automatically smiled when I saw him leaning on the fence. Black na ang buhok niya kaya hindi ko siya nakilala. Dali-dali akong lumapit sa kanya at yumakap. "Nagpablack kana pala ng buhok."
"Do I look more handsome now?" Bumitaw ako sa pagkakayap.
"Oo, tapos naka-doctor attire ka pa. Na-inlove ako lalo." He smirked.
"Sorry ha? Hindi kita nasundo kanina. Busy kasi e." He said habang hinahaplos ang ulo kong nakapatong sa balikat niya.
I nodded. "No need to apologize. I understand na sobrang busy mo ngayon." I gave him a smile.
"Should we have a lunch together? Avail ka ba?" I asked him.
Tumingin siya sa wrist watch. "Yes, sakto ang dating mo. May 45 minutes break ako."
Nag-cling ako sa braso niya. "At dahil ang gwapo mo ngayon, treat ko na ang lunch mo."
-
Pinagtitinginan kami ng mga tao habang naglalakad kami papunta sa caf ng hospital. Siguro kilala nila si Jerome as the most popular student here or member ng Empires. Pero kagaya ng paulit ulit na sinasabi ni Jerome sa 'kin, wag silang pansinin dahil hindi naman sila makakaapekto sa aming dalawa. I trust him. Alam niya kung ano ang mas makakabuti sa amin kaya 'yun ang susundin ko.
Wala masyadong tao sa caf bukod sa iilang nurses na pinagtitinginan kaming dalawa. Taro flavored bubble tea at waffle sandwich ang inorder ko para sa kanya at chocolate flavored bubble tea at Nutella crepe naman ang sa akin.
"Kahit saan ka magpunta popular ka ha?" I said.
He smiled. "Ganun ba?"
Sinamaan ko ng tingin yung tatlong nurses na nasa likod niya habang busy sa pagkain si Jerome. Mukhang na-gets naman nila ang ibig kong sabihin kaya inalis agad nila ang malalagkit nilang tingin sa boyfriend ko.
Pero hindi ako kumbinsado e. Kaya ginawa ko at dapat kong gawin.
"Distansya or E.R?" I shouted. Pagpaparinig ko sa mga nurses na 'yun. Agad agad nilang kinuha yung tray nila at lumipat ng pwestong mas malayo sa amin ni Jerome.
Good.
"Huh? May sinasabi ka?" Umiling ako. "Wala ah, kumain kana gutom lang yan."
"Ikaw, bakit hindi ka pa kumakain? You look so slim." Jerome asked.
I acted innocent na para bang hindi ko binantaan yung mga babaeng nakatingin sa kanya kanina.
"Kakain na po." I smiled a little.
Kurt's POV
"Franco? Sino si Franco?" Tanong ko kay Sam habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa rehearsal room.
"Ewan ko ba! Ang sabi lang ni Andy, model ng clothing line nila. Pero parang sobrang close nilang dalawa kung mag-usap sa phone." Tsk, tsk, tsk kaya ayokong mag-girlfriend e. Sakit lang sa ulo.
"Narinig ko pa sa usapan nila na magkikita sila mamaya. Tss, nagseselos ako, Kurt. Ni-hindi pa nga kami nakakapagdate simula nung bumalik siya dito sa Pinas." Natigilan ako nang biglang sumigaw si Kurt.
"Si Andy 'yun oh!" Napatingin ako sa tinuro niya. Si Andy nga at mukhang kasama niya ngayon yung Franco sa tapat ng rehearsal room. Tsk, talagang pumunta pa sila dito ng magkasama huh?
Lumapit kami sa kanila. Nilagay ko sa sa bulsa ang dalawang kamay ko at nag-pretend na okay ang lahat kahit gustong gusto ko na manapak right now.
Nakangiti si Andy. Nakangiti rin yung Franco. Ako lang ang nakasimangot dito.
"Nandito na pala siya. Sam si Franco, kaibigan ko. Franco si Sam,---" Bigla siyang natigilan sa pagpapakilala sa 'kin sa kumag na 'to kaya nag-init lalo ang ulo ko.
Hinila ko si Andy sa tabi ko at inakbayan. "Sam Drey Victoriano, her boyfriend."
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...