Karen's POV
April 12
"How about yung drinks? What time daw idedeliver? 7 PM ang start ng party much better kung bago mag 5:30 ayos na ang lahat ng food and beverages."
Narinig kong may kausap si Tita Chloe sa phone kaya hindi ko muna siya nilapitan para kamustahin.
''Oh, okay."
"Really? That's great!"
"Looking forward for it thank you very much. Bye"
*End call*
"Oh Karen, it's you!" Nakipagbeso si tita pagkatapos ay hinawakan ang balikat ko. "Where's my son Jerome? It's been a while since the last time I saw you."
I smiled. "Nagsusukat po siya ng shoes na susuotin niya mamaya."
"Oh I see, have you eaten already?"
"Opo, sabay po kaming nag lunch kanina. Kayo po ba tita? Mukhang kanina pa po kasi kayo busy e."
Ngumiti siya. Ugh, sana when I reached my golden age ganyan pa rin ako kaganda. Unfair naman kung si Jerome baby face pa rin at ako--nevermind.
"Don't mind me dear. Kaya ko na sarili ko. Please take care of my son and make sure na ready na ready na siya for his party okay?" She rubbed my shoulder.
"Umh, wait tita, pupunta rin po ba ang Empires?" Hindi ko naiwasang matanong kay tita bago niya putulin ang conversation namin.
"Well, hindi ko alam kung sino ang mga inimbitahan ni Jerome pero siguro since they are close friends. Maiwan muna kita hija, I have many things to do pa kasi. Ayos ka lang ba dito?"
I waved my hand. "O-opo, okay lang po ako dito. Ako na po muna ang bahala."
"Okay then see you later." I smiled at naglakad na si tita palayo sa 'kin.
Napayuko ako.
Please naman Karen... sana this time, learn how to control your feelings and stop being awkward around Mikko.
Well, ang totoo niyan... hindi alam ni Tita Chloe na ex ko si Mikko. Nasa states pa siya nung time na kami pa ni Mikko. Bumabalik lang siya sa Pilipinas para i-celebrate ang birthday ni Jerome kasama ang step dad niya na si Tito Simon. Oo, wala na yung tunay na daddy ni Jerome since he was 2 years old. His father died because of lung cancer kaya ang mommy niya nalang ang nakakasama niya every time na may ganitong celebration dahil only child din si Jerome. May ibang pamilya na rin kasi si Tita Chloe sa states kaya madalang niya lang siya pumupunta dito sa Pilipinas.
Ito rin ang dahilan kung bakit sanay ng mag-isa si Jerome sa bahay niya. Nakakalungkot. Imagine? nabuhay ka ng ilang taon na wala ang parents mo sa tabi mo.
No wonder kung bakit napaka-independent niya. Thanks to Ate Amethyst for taking care of Empires habang busy ang mga magulang nila at tumayong mommy na rin para kay Jerome.
Knowing this family background of Jerome made me love him even more.
***
"Close your eyes, stop peeking!"
"Okay, okay. Saan mo ba ako dadalhin?" Hinawakan ko yung magkabilang balikat ni Jerome at ginuide siya papunta sa room niya kung saan nakalagay yung gift ko para sa kanya. I want to be the first one to show him a gift bago pa mag start ang party.
"We're here!" Inalis ko yung panyong nakatakip sa mga mata niya. Naningkit pa siya nung una dahil sa tagal na ng pagkakatakip ko sa mata niya pero napangiti rin siya kalaunan nung nakita niya yung gift kong nakapatong sa bed.
BINABASA MO ANG
I'm Dating an Idol
Teen FictionKinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos lahat ito narasan niya. Ngunit hindi pa dito natatapos ang istorya. Umpisa pa lang ito nang pagdadaanan nila. Ngayong college at official boy b...