Chapter 4

1K 36 0
                                    

Karen's POV

Nakakastress ang pagiging graduating student pero mas nakakastress si---"Akin na yan." Ugh Keith!

Wala pa kaming 1 week na magkakilala pero ang FC na niya sa 'kin. Hindi naman issue yung pagiging FC niya pero palagi nalang niya ako pinipigilan tuwing pupuntahan ko si Mikko. Walang oras na hindi ko siya nakikita dahil kahit sa Southmoor HS nakakarating siya. Hindi ko alam kung nanadya ba 'to o nangaasar lang e. Or both.

"Keith, akin na yung bag ko." Pilit ko inaagaw sa kanya yung shoulder bag habang naglalakad kami sa grounds ng SHS (I told you, nakakarating siya dito.) pero nagmamatigas pa rin siya. Kainis!

"O ito na nga iiyak kana e." Inabot niya sa 'kin yung bag ko na agad ko naman binawi dahil baka magbago pa ang isip niya at arborin niya na 'to ng tuluyan.

I rolled my eyes.

"Easy. Napipikon kana yata." Hindi ko siya pinansin at nagmadali lang sa paglalakad. Siguro naman hindi siya gano'n ka-slow para hindi malamang badtrip na ako sa kanya.

Damang dama ng sistema kong sinundan niya ako hanggang classroom kaya pasimple akong lumingon.

Kung feel at home si Mikko dito, mas feel at home siya! Nakaupo siya sa dulo habang nakataas pa ang paa sa desk. Aba't!

At dahil nga hindi naman talaga natin maitatanggi na pogi si Keith, lahat ng mata ng mga classmates ko ngayon nakatingin sa kanya. Hindi lang sila, kahit si Miss Arellano na teacher namin sa Arts hindi na nagturo at nag-day dreaming nalang sa table niya.

Aish! Hindi pwede 'to!

1 Hour. Nasayang ang 1 hour ng buhay ko. Maraming salamat kay Keith.

Beastmode akong lumabas ng classroom at pumasok sa C.R ng girls. Siguro naman hindi na niya---"Anong ginagawa mo dito?!"

"Easy ka lang---"

"Nagaadik ka ba?!" Humagalpak siya kakatawa habang napayakap naman ako sa sarili ko.

"Patapusin mo muna ako Miss Francisco. Naiwan mo kasi yung libro mo sa pagmamadali. Ako na nga 'tong nagmamagandang loob e."
Inagaw ko sa kanya yung libro at nagmadaling lumabas ng C.R. Kaunti nalang talaga ipapa-blotter ko na siya sa panghaharass niya!

Patalikod akong naglakad para makasiguradong hindi na niya ako susundan.

Hanggang sa...

BLAG!

"What the heck are you doing?" Nakatalikod ako kay Mikko habang hawak niya ako sa magkabilang braso. Muntik ko na makalimutang susunduin niya pala ako.

"Ah---nakakita lang ako ng multo! Grabe talaga!" Nilapat ko yung palad ko sa noo ko at umarteng mahihimatay.

"Are you kidding me?" Kumunot ang noo ni Mikko kaya umayos ako ng tayo. Hindi talaga ako pwede maging artista.

"Joke lang tara na." Hinila ko ang kamay niya pero hindi pa kami nakakalayo ng marinig ko ang pangalan kong sinisigaw ng nakakalokong lalaking 'yun.

"KAREN!"

Patay ka talaga sa 'kin Keith!

"Who's---" Inakbayan ko si Mikko at niyuko ang ulo niya. "W-wala sumunod ka nalang sa 'kin, may surprise ako. Close your eyes."

Nilingon ko si Keith at sumenyas ng subukan-mo-sumunod-at-hindi-na-kita-bubuhayin-fist sabay liko sa may hagdan kasama si Mikko.

"Yah!" Tinanggal ni Mikko ang kamay ko sa ulo niya at nag-ayos ng buhok. Hinayaan ko nalang din dahil wala na si Keith sa paligid. I'm safe.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon