Chapter 9

856 24 0
                                    

Karen's POV

"Buksan niyo ang pinto!" Patuloy kong kinakalampag ang pinto pero naka-lock ito at hindi ko marinig ang dalawa sa loob ng dressing room.

"Karen, anong nangyari?" Lumapit ang Empires at CThunder at pinalibutan ako. "S-si Mikko at Keith mukhang nagaaaway sa loob."

"Ano? Those bastards." Pinatabi ako ni Jared. "Mikko, Kai, open the door!"

BLAG!

Nakarinig kami ng nagbagsakan sa loob kaya mas lalo kaming nag-panic. Umabante si Jared at sinipa ang door knob.

Effective ang ginawa niya kaya nabuksan namin ang pinto.

Nadatnan namin si Mikko na hawak sa kwelyo si Keith na duguan ang labi.

"Ano ba, Mikko? Bitiwan mo siya!" Sapilitan kong inalis ang kamay ni Mikko sa kwelyo ni Keith.

Bumagsak sa sahig si Keith kaya automatic akong lumapit sa kanya. "K-keith, you're bleeding."

Tumayo ako at buong lakas hinarap ang sira ulong 'to. "Bakit mo ginawa 'yun?!"

"He derserved it." Mikko rolled his eyes.

"Deserved? Dahil lang sa tinawag ko siyang Keith halos patayin mo na siya? As if calling him by his real name is a crime." Hinampas ko ang dibdib niya sa abot ng makakaya ko.

"Mag-sorry ka." Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin. "What? Do you want me to apologize first?"

"Mag-sorry ka, Mikko Tan." Halatang iritang-irita na siya pero wala akong paki alam.

"That's ridiculous." Sabi niya sabay walk out. Tinignan ako ng Empires at sumunod din kay Mikko.

Ganun na ba kasama ang ugali niya para gawin 'to kay Keith?

Tinulungan siya makatayo ng dalawang itlog. "O-on behalf of him, I'm so sorry Kai." Pagkasabi ko nun, tumalikod ako pero pinigilan niya ang wrist ko. "Don't stop calling me Keith. Please, Karen?"

***

Lumabas din ako para hindi sundan si Mikko. Lumabas ako dahil gusto kong makapag-isip-isip muna.

Sabog akong naglakad palabas ng studio. Wala na ang kotse ng apat pero may natitira pang isa. Ang kotse ni Jerome.

"Bubble tea?" Lumapit sa 'kin ang isang blond na lalaki na may dalang bubble tea.

"Para sa 'kin?" Para akong tanga habang tinuturo ang sarili ko. "H-hindi ka ba galit?"

"Why would I?" He smiled a little. Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak yung bubble tea.

"Dahil si Kei--- este Kai ang kinampihan ko?" Umiling siya.

Nagpalakad-lakad lang kami ni Jerome hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Sumandal siya sa compartment ng kotse kaya ganun din ang ginawa ko.

"Sigurado akong may dahilan si Mikko kung bakit niya ginawa 'yun."

Napangiwe ako. "Kung meron man, ang babaw niya."

Tumingin sa 'kin si Jerome ng nakakaloko.

"Dalawa lang ang dahilan para manuntok siya ng isang tao, first, kapag tungkol ito sa 'yo, second, kapag kasing kulit ka ni Kurt. Hindi magkaugali si Kai at Kurt para ayun ang maging dahilan ni Mikko. It means, ikaw ang dahilan kung bakit nagawa niya 'yun kay Kai."

O___O

Bakit ang galing ni Jerome at nalaman niya pa 'yun? At in fairness, nakaka-construct na rin siya ng sentence. Hindi lang puro isang tanong, isang sagot. Improving si bestfriend!

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon