Chapter 16

810 24 2
                                    

"Sometimes you want to protect someone who doesn't care about you
while there's another person who quietly protects you."

Karen's POV

2 minutes din kaming nasa ganung posisyon ni Jerome. Nawindang ako ng sobra to the point na hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos ng "kiss" na 'yun sa harap ng maraming tao, at ng buong pilipinas dahil naka-live ang conference sa mga tv ngayon!

Napalunok ako ng laway after the kiss. As expected, inulan ulit kami ng mga tanong at this time mas lalo pang dumami ang press na nasa paligid namin.

"Siya ba ang girlfriend mo, Jerome?"

"Pakilala mo naman siya sa amin Jerome."

"So, girlfriend ka ni Jerome at hindi ni Mikko, am I right Miss?"

Nakayuko lang ako. Nahihiya ako, hiyang hiya na ako sa sarili ko.

"Just follow me." Narinig kong bulong ni Jerome pagkatapos ay
hinawakan niya ang ulo ko at sinubsob sa dibdib niya.

"Bigyan niyo kami ng daan please." Paki-usap niya sa mga member ng media. Ginawa ko ang sinabi ni Jerome. Sinundan ko lang siya habang hawak niya pa rin ang ulo ko na nakapatong sa dibdib niya.

Pakiramdam ko ang safe ko sa ginagawa ni Jerome pero hindi ko pa rin maiwasang maisip si Mikko.

Binitawan niya lang ako ng makalayo na kami sa crowd. Nasa dressing room kami at walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang, pero hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya lalo na sa mga labi niya na dumikit sa mga labi ko kanina.

"Sorry." Unang lumabas sa bibig niya habang nakatayo kaming pareho sa harap ng salamin sa dressing room.

"A-ayos lang, medyo nagulat lang ako. Sorry din, nakagulo pa ako sa first press conference niyo." Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming pareho sa pumasok.

Laking gulat ko ng makita ko siya.

Si Mikko.

Nagkatitigan lang kaming tatlo ng ilang minuto. Walang nagsalita hanggang sa hawakan ni Jerome ang pisnge ko at halikan ako sa noo. Ang bilis ng pangyayari kaya hindi agad nag-function ang utak ko.

"Tara na, liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jerome. Talaga bang sinabi niya 'yun sa harap ni Mikko?! Hindi tama 'to! Kakabreak pa lang namin at hindi dapat ganito ang ginagawa ko. At worst, mag best friend pa sila.

Hinawakan ni Jerome ang kamay ko at lumapit sa pinto kung saan nakatayo si Mikko. "Excuse me, may pupuntahan pa kami." Sabi niya kay Mikko at mas lalo pang humigpit ang hawak ni Jerome sa kamay ko.

Speechless.

Umusog ng kaunti si Mikko para magbigay daan sa amin. Wala siyang sinabi ni-isang letra kaya mas lalo akong nagulat.

Akala ko magsusuntukan sila pero hindi. Behave lang ang dalawa. At talagang umasa pa ako nag mag-rereact si Mikko e hindi na nga kami? Magising ka nga sa katotohanan na hindi na kayo at hindi kana dapat umasa pang magkakabalikan kayo dahil siya na mismo ang nagtatakwil sa 'yo, Karen!

Masokista nga talaga ako dahil nagawa ko pa rin lingunin si Mikko na kasalukuyang nakatingin sa amin habang naglalakad kami sa hallway papalayo sa kanya. Sa puntong ito, bumagsak na naman ang luha ko.

Naramdaman kong tumigil si Jerome.Hinawakan niya ang pisnge ko at nag-bend ng tuhod sa harap ko. "Don't look back again. It will hurt you even more."

***

Dinala ako ni Jerome sa underground parking lot ng MS Building. Dito raw kasi, sure na hindi kami makikita ng mga media at masusundan. Pareho kaming nakasandal sa kotse niya at nakatitig sa kawalan. Umaasang matatapos na agad ang araw na 'to dahil pagod na pagod na ako. Physically and emotionally drained.

"I love you so much. I'm sorry for being weak and letting you go."

Kalokohan.

Isa lang ang dapat kong gawin ngayon. Hindi na ako maghahabol pa. Mahirap oo, pero kakayanin.

Pinakawalan mo ako Mikko. Pagsisisihan mo 'to.

"Your tears are falling again." Pagbasag ni Jerome sa katahimikan.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyong inabot niya sa 'kin.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong ilista ang pinaka-perpektong tao sa mundo. Unang una sa listahan si Jerome. Nasa kanya na lahat, I mean lahat.

Nagwala ang puso ko nang humarap sa akin si Jerome at kinorner ako sa sinasandalan ko gamit ang dalawang kamay niya.

Ang seryoso ng tingin niya sa mga mata ko kaya nanigas na naman ako. Naalala ko bigla yung ginawa niyang paghalik sa akin kanina sa harap pa ni Mikko at ng Empires. Alam kong may gusto sa akin si Jerome pero hindi talaga tama na nagpadalos dalos lang siya. Iba na ngayon, sikat na siya at alam kong hindi na ako pwedeng mamuhay ng normal simula sa araw na 'to. Alam na ng lahat na boyfriend ko si Jerome kahit hindi totoo.

"B-bakit mo ginagawa 'to? Wala pang isang araw ang nakalipas simula ng break up ni Mikko, Jerome."

Humugot siya ng malalim na hininga. "I know. Pero ang tagal ng oras kapag nakikita kitang ganyan. Please give me a chance Karen. I swear to God, hindi ka iiyak sa 'kin. I promise you everything will be perfect. Let me do what your ex couldn't just... just give me a chance."

Kurt's POV

O____O

Bakit hinalikan ni Jerome si Karen?! At bakit tinanggi ni Mikko sa lahat na girlfriend niya si Karen?!

Naubos ang tao sa event at naiwan kaming tulala nina Sam at Jared sa nangyari. Si Mikko, umalis na at si Jerome, malamang kasama niya si Karen.

Nakakastress!

Papunta ako ng balcony para magpahangin nang marinig ko ang boses ni Mikko sa loob ng opisina ni CEO Min. Na-curious ako dahil parang seryoso ang pinaguusapan nila kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto at nakinig. Patawarin niyo po ako sa pagiging chismoso ko, Lord.

Nakaupo si CEO Min habang si Mikko naman, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa ng CEO.

"Magaling, nagawa mo ng maayos ang pinapagawa ko." Sabi ni CEO Min na nakaupo sa swivel chair sabay smirk.

Hindi mapakali si Mikko. Stress na stress siyang sumandal sa table at naghilot ng sintido.

Nagulat ako nang bigla niyang pagtaasan ng boses si CEO Min. "Are you happy now?! Are you happy to ruin someone's relationship because of your selfishness?!"

O____O

"Don't raise your voice, Mikko Tan! Una pa lang sinabihan na kita na may dating ban for first 4 years ang leader ng bawat group under MS Entertainment at ikaw, ikaw lang ang hindi sumunod sa rule na 'to."

D-dating ban for 4 years?

"I let you chose, hindi magdedebut ang Empires or makikipagbreak ka sa girlfriend mo at mas pinili mo ang pangalawa."

Ano 'to? Anong nangyayari? Bakit hindi namin alam 'to?

"Alam kong mahal mo ang Empires at mahal mo rin si Karen pero hindi lahat ng bagay pwede mong pagsabayin. Makakaapekto sa career niyo kung may girlfriend ka. Ikaw ang pinakapopular sa lima kaya ikaw ang dapat magparaya."

"No, I don't need fame. I just want her."

Napayuko si Mikko. Teka, umiiyak ba siya?! Huling beses ko siya nakitang umiyak yung nilason kami ni Ate Amethyst at ngayon nalang ulit
naulit...

"I've been watching you since then at nakita ko kung gaano kayo kapursigido maging idol. Pero dahil lang sa babaeng 'yun isusuko mo ang lahat ng pinaghirapan niyo ng mga kaibigan mo? For that girl, Mikko? Grow up my nephew."

N-nephew?

"Ngayon lang kita pipigilan. Gusto ko lang maging succesful kayo at sana maintindihan mo 'yun. Maghihintay ka lang ng 4 years at pwede mo na ulit siyang balikan. 4 years isn't that long right?"

I'm speechless.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon