Chapter 04 - Lipat Bahay, Bagong Buhay

43.5K 856 75
                                    

Babala: may Rated SPG sa chapter na to. Medyo mature kasi ang plot nitong "Ano Ba Talaga Tayo." Pero maayos ko namang ginawa ang bawat SPG na eksena. Hindi ganun ka hardcore Hahaha :p

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Napapikit nalang ako, habang hinihintay ko ang mga susunod na mangyayari.

"Sabi ko na eh, gusto mo din."

Bigla akong bumalik sa wisyo ko at napadilat ako.

Nakita kong naka-ngisi siya sa akin. Agad ko naman siyang itinulak.

"Kanina ko pa napapansin na nakatingin ka sa katawan ko at sa...." Imbes na itinuloy niya ang sasabihin niya, ay tiningnan niya ang naka-bukol sa harapan niya.

Lalo naman akong namula sa sinabi niya kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya.

"Hindi ah! Wag mo akong igaya sayo na pervert! Katanghaliang tapat, nakikipag-ano." Sabi ko naman

"Bakit, pag gabi lang ba pwedeng gawin yun?" Sabi niya

Nakita kong naglakad siya patungo sa closet niya at kumuha ng damit at shorts.

"Sigurado ka na bang pumapayag ka na sa alok ko sayo?"

Tanong niya sa akin habang nagbibihis.

"Oo, sigurado na ako. Kung yan lang ang paraan para mabawi ko ang bahay namin sainyo, papayag na ako. Para sa pamilya ko."

"Good. Madali ka naman palang kausap. Tska mukhang nagbago ka na. Hindi ka na selfish. Iniisip mo na rin ngayon ang mga tao sa paligid mo."

Naka-ngisi niyang sabi sa akin.

"Oo naman. Kung nagbago ka, nagbago na rin ako. Hindi na ako yung Josh na kilala mo noon. Tska gagawin ko to para sa pamilya ko, dahil mahal ko sila."

Pagkatapos ko namang sabihin yun ay nagulat ako nang pumalakpak.

"Wow naman. Na touch naman ako dun. Nakakaiyak naman ang mga sinabi mo." Sabay tawa niya.

"Bilang nadala ako ng slight sa ka-dramahan mo. Ako na ang bahala sa lalamunin ng Lola at Kapatid mo sa araw-araw habang wala ka sakanila. Nakakaawa naman kasi kayo."

Naka-ngisi niyang sabi sa akin.

Nung sabihin niya yun, gusto ko siyang sapakin sa pang iinsulto niya sa amin. Hindi ko akalain na ganito na siya ngayon. Pero pinigil ko ang sarili ko.

"Hindi mo na kailangang gawin yun. Habang wala ako, kila Kuya Paul muna sila titira. Kaya salamat nalang sa awa mo."

Matigas kong sabi sakanya.

"Ah ganun ba? Buti naman at hindi na ako magagastusan pa sainyo. Kung tutuusin lugi ako. Dahil biruin mo, magiging alipin lang kita ng tatlong buwan, kapalit na noon ay bahay at lupa na nagkakahalaga ng 3 milyon."

Sabay upo niya sa kama.

"Wag kang mag-alala, hindi ka malulugi. Lahat ng iutos mo, susudin ko." Sabi ko naman.

Tumayo siya sa kama at lumapit sa akin.

"Sabi mo yan ah? Lahat ng iutos ko sayo, susundin mo. Alam ba ni Steven to? Baka mamaya, sugurin ako nun."

Sabi niya sa akin.

"Pinayagan niya akong tanggapin ko ang alok mo, kaya wag kang mag-alala. Walang gulong mangyayari. Tska wala naman siya dapat ikasugod dito. Dahil mahal na mahal ko siya. Siya lang ang gusto ko, at wala ng iba."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon