Chapter 14 - Desisyon

37.3K 726 83
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Nagising ako at wala akong ganang gumalaw. Tinatamad akong bumangon ng kama kaso, alam kong hindi ako pwedeng mag-kulong sa kwartong ito maghapon. Nandito ako hindi para magbakasyon, kundi para magtrabaho at magbayad ng utang.

Ayoko man pero bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo at mag toothbrush. Pagkabihis ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Britney na tarantang naghahanda ng agahan.

"Oh, britney, bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si Manang?"

"Naku, wala si Manang. Martes ngayon kaya nagpunta sa palengke yun. Mas gusto kasi noon sa palengke."

Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom

"Bakit hindi nalang sa grocery?"

"Mas fresh kasi ang mga karne at isda sa palengke at kumpara sa grocery."

"Sabagay, sige, tulungan na kita."

"Salamat Josh, pakibate nalang itong mga itlog sa bowl."

Habang hinahanda namin ang mga pagkain sa mesa ay saktong pagdating ni Ryan.

"Good morning po sir, sakto po, nakahanda na ang agahan"

Naka-ngiting sabi ni Britney.

"Umupo na kayo, at kumain narin kayo." Sabi naman ni Ryan

Habang kumakain ay hindi parin mawala sa isip ko si Steven at ang sitwasyon namin. Nalilito ako, may parte sa akin na gusto kong gawin ang tama, ang bitawan at lumayo na kay Steven, pero may parte din sa akin na gusto kong manatili kay Steven at ipagpatuloy ang relasyon namin.

"Kung kailan tumanda ka na, tska mo pa natutunan paglaruan ang pagkain."

Bumalik ako sa wisyo ko nang magsalita si Ryan. Napatingin ako sakanya at sunod sa pinggan ko.

"Pasensya na." Nakayuko kong sabi.

Ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Habang si Britney naman ay nagdidilig ng mga halaman sa garden. Napapitlag ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Pagkatapos mo diyan, gusto kitang makausap. Marami ka pang ipapaliwang sa akin. Hihintayin kita dun sa pool area."

Lumingon ako kay Ryan at tumango. Patay. Ano ang idadahilan ko sakanya kung bakit bigla akong umalis kahapon? Ayokong sabihin kay Ryan kung ano ang sitwasyon namin ni Steven ngayon. Kailangan ngayon palang makaisip na ako ng maiidadahilan ko sakanya. Alam na alam pa naman nun pag nagsisinungaling ako o hindi.

Habang naghuhugas ako ay naka-isip na ako. Sana lang mapaniwala ko siya. Pagkatapos ko ay pumunta na ako ng pool area. Nakita kong nakaupo siya isa silya at nakatingin sa pool na parang may malalim na iniisip. Huminga ako ng malalim bago lumapit sakanya.

"Andyan ka na pala. Umupo ka." Seryoso niyang sabi

Umupo ako at nakaharap ako sakanya.

"Saan ka nagpunta kahapon? Bakit umaga palang wala ka na?"

Tumingin ako sakanya.

"Pinuntahan ko lang yung kaibigan ko. Si Jessie, nagkaroon kasi siya ng problema kaya tinawagan niya ako. Kailangan kasi ako ng bestfriend ko kaya pinuntahan ko siya." Pagsisinungaling ko.

"Bakit ka niya kailangan? Ano ba yung problema niya?"

Seryosong tanong niya sa akin

"Masyado kasing personal. Kaya hindi ko masasabi sayo Ryan, nangako ako sakanyang wala akong pagsasabihan."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon