Chapter 08 - Halik at Bananacue

42.4K 807 75
                                    

Hello sainyo! Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagUD. Hinanap ko pa kasi utak ko. Nandoon lang pala nakatambay sa ihawan ni Aling Luding, kumakain ng isaw ang puuuchaaa :P

Sisikapin ko sa abot ng makakaya kong lagi ng magUD :) dedicated chapter na to kay @nheysz Salamat sa pag suporta mula pa noong AKK :)

O siya, basa na po!

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

"Gisisng ka pa pala Joshy."

Tumindig ang balahibo ko nung sabihin niya yun. Bukod sa muli niya akong tinawag na Joshy, na tawag niya sa akin noong mga bata pa kami, eto siya sa harap ko ngayon, nakangiti at nakahawak sa bewang ko.

"Oh Ryan, kadadating mo lang?" tanong ko

"Hmmm, medyo..."

Napansin kong nakainom siya. Amoy chico kasi at halata sa pagsasalita niya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Lasing ka ata ah?" tanong ko ulit

"Hindi ah! Sino may sabing lasheng ako? Si Manang Janet?? Naka-inom lang ako!" Sabay ngiti niya.

Nakakatuwa ang itsura niya. Ang pula-pula niya parang kamatis. Palibhasa, german ang mama niya kaya tisoy tong lalaking to.

"Gusto mo timpla kita ng kape?" alok ko sakanya

"Ayoko ng kape! Gusto ko tuuuubig!" Sabi niya sa akin

"Ikukuha kita, umupo ka muna diyan."

Tinulungan ko siyang umupo dun sa lamesa sa kitchen. Gegewang-gewang na siya sa paglalakad dahil nga sa lasing siya. Pagkatapos ko siyang maiupo, kumuha na ako ng tubig para sakanya.

"Eto yung tubig mo oh!" Sabay abot ko

Pagkainom niya ay hinawakan niya ako sa braso at hinila para umupo dun sa tabi niya.

"Mag-usap naman tayo Joshy.... Namiss kita ehhh."

Nang sinabi niya yun, hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako doon dahil namiss pala niya ako, gaya ng pagkamiss ko sakanya.

"Ikaw din namiss ko." Sabi ko.

"Namiss parin kita, kahit sinaktan mo ako noon! Kahit niloko mo ako noon! Namiss padin kita Joshy!"

Sabi niya sa akin habang naka-ngiti.

Naramdaman nanaman ako ng pagka-gulity sa nagawa ko sakanya noon. Sa nagawa kong pangloloko sakanya.

"Sorry Ryan... Sorry sa nagawa ko sayo noon."

Sabi ko sakanya.

"Kuha mo ako kape." Sabi niya

"Huh?! Kape?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Ano konek ng kape sa pinag-uusapan namin.

"Kuha mo ako kape!!" Sabi niya ulit

"Akala ko ba, ayaw mo?!" Sabi ko naman

"Kumuha mo ako kape!!!" Napataas na ang boses niya.

Tumayo nalang ako at kumuha ng kape. Ang gulong kausap nito. Sabagay lasheng nga pala. Ano pa nga bang aasahan ko.

Pero habang nagtitimpla ako, bigla ko siyang narinig na naghihilik. Kaya tiningnan ko siya.

"Hoy ryan!" Sabay kalabit ko sakanya

"Hoy! Gising! Wag ka diyan matulog!" Niyuyogyog ko na siya pero walang epek sakanya.

"Haay, ano ba naman!" Napakamot nalang ako ng ulo. Wala na akong nagawa kundi alalayan siya paakyat ng kwarto niya.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon