Chapter 32

30.1K 574 101
                                    

Dedicated ang Chapter na to kay @RaichiFuenteverde ;) yun lang... Ge na. Basahin na ang Chap32. Enjoy! :D



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



-JOSH'S POV:



"Kuya Rye! Wag mo akong bibitawan!" Sigaw ni Ringo kay Ryan. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood si Ryan habang tinuturuan mag bike si Ringo dito sa garden ng mansyon nila Ryan.



"Haha! Wag kang matakot! Andito ako. Hindi ka mahuhulog!" Sabi naman ni Ryan habang hawak-hawak ang upuan ng bike at tinutulak si Ringo.



"Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kasaya yang si Ryan."



Napatingin naman ako sa katabi ko habang naka-tingin kila Ryan habang nakangiti.



Binalik ko ulit ang tingin ko kay Ryan at maya-maya ay tumingin ito sa kinaroroonan ko at ngumiti't kumindat sa akin. Sinuklian ko lang ito ng isang matamis na ngiti.



"At nangyari lang yun dahil sayo. Sumaya siya dahil sayo." Muli akong napatingin kay Ariana na nakatingin sa akin habang nakangiti. Ngumiti din ako sakanya.



"Ikaw lang talaga ang kaligayahan ng tukmol na yan." Sabi pa niya.



"At siya rin naman ang kaligayahan ko." Sabi ko naman habang naka-ngiti.



"Alam ko, pang tatlong pong beses ko na sigurong sinabi to pero humihingi talaga ako ng sorry sa kalokohang naisip ko."



Sabi niya sa akin.



"Wag mo nang isipin yun! Tapos na yun. Naiintindihan naman kita. Alam kong ayaw mo lang masaktan si Ryan kaya naisip mo yun." Sabi ko naman.



"Tama ka naman. Ayoko lang na makitang muling masaktan si Ryan. Nakita ko siya noon na wasak. Walang direksyon ang buhay. At natakot lang ako na baka muli siyang masaktan at muling manumbalik ang dating Ryan."



Nang sabihin niya yun. Hindi ko mapigilan ma-guilty sa nagawa kong pananakit kay Ryan noon na lubos kong pinagsisisihan.



"Pero alam kong iba na ngayon. Alam ko. At sigurado ako na hindi na siya muling masasaktan. Dahil alam kong totoo ang pagmamahal mo sakanya. Ramdam ko yun Josh. Nakikita ko sayo na mahal mo talaga si Ryan." Naka-ngiting sabi ni Ariana na muling nagpabalik sa ngiti ko.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon