Chapter39

25.7K 582 158
                                    

Dedicated ang Chapter na to sa aking Porpol na Dyosang Ganster na si @KumikoSensei :)) humayo ka at magpakarami! Sa ngalan ng Porpol na Buwan! Hahaha :D

Eto na ang Chapter 39! Hingang malalim nanaman x)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-RYAN'S POV:

Isang linggo na ang nakalipas mula nang nakapag-desisyon ako at pumunta sa Doctor ni Josh patungkol sa heart transplant. Patungkol sa pagbibigay ng sarili kong puso para sa taong mahal ko.

Inaasahan ko na ang pagka-gulat ng doctor at pagkontra niya sa gusto ko. Pero hindi ako magpapagil. Nakapag-desisyon na ako. At wala ng makakapigil pa sa gusto kong mangyari.

Marahil ay kabaliwan ang gagawin ko. Kasalan sa diyos dahil kikitilin ko ang sarili kong buhay para dugtungan ang buhay ng ibang tao. Pero hindi siya ibang tao. Hindi lang siya kung sinong tao lang dyan.

Dahil siya ang asawa ko. Ang taong mahal ko.

Ang taong patuloy kong mamahalalin habang nabubuhay ako. At maging hanggang sa mamatay ako.

Gusto kong humaba pa ang buhay niya. Gusto kong makasama pa niya at makasama pa siya ng mga taong mahal niya at mga taong nagmamahal sakanya.

Hindi ko kayang makitang mawala si Josh. Maisip ko palang na mabubuhay ako na wala siya. Parang mababaliw na ako. Mababaliw dahil sa kalungkutan. Aanin ko pa ang buhay ko. Kung wala naman ang taong gusto kong makasama habang nabubuhay ako.

Mas gusto ko pang ako ang mawala kesa siya. Kaya gagawin ko to. Ibibigay ko ang buhay ko. Para sa taong pinaka mamahal ko.

Walang ibang nakakaalam nitong desisyon ko. Si Doc lang. At iyong taong kikitain ko ngayon para kausapin. Para ipagbilin si Josh. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Dahil minsan na siyang naging parte ng buhay ni Josh. At minsan na siyang naging dahilan ng kasiyahan nito.

"Hindi ko inaasahan ang pag tawag mo."

Napatingin ako sa taong nagsalita. Hindi ko napansin na nandito na pala siya.

Binigyan ko siya ng bahagyang ngiti

"Umupo ka na." Sabi ko sakanya na siya namang ginawa niya

Napatingin ako sa paligid ng resturant.

"Napag-alaman ko na ito pala ang paborito niyong resturant mula pa noon." Sabi ko habang patuloy pading nililibot ang paningin sa kabuoan ng resturant.

"Kamusta na siya? Kamusta na ang lagay ni Josh?"

Napatingin ako sakanya nang magsalita siya.

Nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya.

"Sa ngayon maayos siya. Kahit papaano ay nakakapamuhay siya ng normal kahit na may karamdaman siya. Pero nakalagay padin sa panganib ang buhay niya. Habang hindi pa naisasagawa ang heart transplant."

Magsasalita sana siya nang dumating ang waitress at dinala ang mga orders namin.

"Sabi ng manager dito. Yang pasta na yan at chicken cordon bleu ang madalas niyong orderin dito. Kaya yan na ang inorder ko." Sabi ko pagkatapos ibaba ng waitress ang inorder kong pagkain.

Napansin ko ang pakunot ng noo niya. Ramdam ko na nagtataka siya sa mga nangyayare. Sa mga ginagawa ko.

Kinuha ko yung iced tea at humigop ako.

"Nang malaman kong may sakit siya ay gusto ko talaga siyang puntahan. Kahit na nakabalik na ako ng canada nang mabalitaan ko iyon. Pero bigla kong naisip ang pangako ko sakanya."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon