Chapter 18 - Moving On

39.9K 798 76
                                    

-----------------------------------------------------

First time ko maglagay ng video. Paki-play para mas madrama ang eksena haha! Yan ang pinakikinggan ko habang sinusulat ko to. Isa din yan sa favorite song ko. "Pain In My Heart"

O siya, basa na! Enjoy XD

-----------------------------------------------------

JOSH'S POV:

Nagising ako dahil sa isang panaginip. Isang masamang panaginip. Nasa airport daw kami ni Steven at pinigilan ko siyang umalis patungong canada. Ng biglang dumating si Demi at hinila siya papalayo sa akin.

Iyak ako ng iyak doon sa panaginip ko. Samantala ang mga tao sa paligid ko, pinagtatawanan lang ako, kasama doon si Kuya Paul.

Sabi nila kung ano daw ang napaginipan mo, kabaliktaran yun ng tunay na mangyayari. Pero bakit iba sa akin? Kung ano yung napaginipan ko, yun ang tunay na mangyayari sa buhay ko.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at tiningnan ko ang oras. 5:00am. Halos dalawang oras lang pala ako naka-tulog. Hindi kasi ako dalawin ng antok kagabi kakaisip. Ngayong araw kasi ang alis nila Steven patungo sa canada para simulan ang pinapangarap niyang normal na pamilya.

Parang tinutusok ng matalim na bagay ang puso ko pag naiisip ko yun. Pilitin ko man wag alalahanin, kusang pumapasok sa isip ko.

Hindi ito ang unang break-up ko. Pero ito ang pinamasakit sa lahat. Siguro dahil minahal ko talaga ng sobra si Steven at umasa na ako na siya na ang makakasama ko hanggang sa tumanda ako.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo at mag toothbrush. Pagkabihis ko ay lumabas na ako ng kwarto para simulan ang bagong araw ko. Nadatnan ko si Manang Janet sa kusina na nagkakape.

"Good morning po Manang..." Bati ko sakanya

"Good morning din sayo Josh, bakit ang aga mo atang nagising? Hindi pa ako nakakapag-handa ng agahan eh."

Umupo ako sa silya sa mesa malapit kay Manang Janet.

"Naalimpungatan po kasi ako. Tapos hindi na po ako dinalaw ng antok. Kaya bumangon na po ako."

"Teka, pag timpla muna kita ng kape."

"Wag na po, ako nalang Manang."

"Hindi na. Ako na. Umupo ka na diyan. Para matikman mo ang masarap na timpla ko ng kape."

Hindi na ako kumontra pa kay Manang at hinayaan ko nalang siyang ipagtimpla ako ng kape. Hindi ako niloloko ni Manang, talagang masarap siyang magtimpla ng kape. Pwedeng itapat sa Kape ni Kim Nana at Maya.

"Josh, kamusta ka naman?" Biglang tanong ni Manang habang humihigop ako ng kape.

"Ok lang naman po." Maikli kong tugon

"Hindi ka ok. Alam ko may dinaramdam ka. Nitong mga nakaraan araw ko pa yan napapansin na parang laging may malalim kang iniisip." Sabi ni Manang Janet

Isang pilit na ngiti lang ang itinugon ko kay Manang.

"Basta Josh, kung kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako. Handa akong makinig sayo." Tumango naman ako bilang tugon kay Manang.

Pagkatapos naming magkape, ay magkatulong kaming naghanda ng agahan ni Manang. Maya-maya ay dumating na si Britney, kaya naisipan kong tumungo na ng garden para mag dilig ng mga halalaman. Tutal andiyan na si Britney para tulungan si Manang.

Habang abala ako sa ginagawa ko. Hindi padin mawala sa isip ko ang pag-alis ni Steven. Tanga na kung tanga. Pero umaasa ako na itetext manlang niya ako bago siya lumipad at umalis.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon