Chapter 09 - Selos?

40.2K 762 83
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

"Gusto mo kausapin ko si Ryan para payagan ka bukas?"

"Naku wag na po Manang Janet, baka magalit lang sa akin yun. Nakausap ko na siya at talagang ayaw niya akong payagan. Ok na po yun. Sasusunod nalang po, baka payagan na ako."

Sabi ko kay Manang habang sabay-sabay kaming nag aagahan nila Britney sa kusina.

"Bakit ba ang sungit sayo ni Sir Ryan? Akala ko magkaibigan kayo? Diba sabi mo mula pagkabata kayo na magkasama? Eh anong nangyare? Bakit hindi na kayo close?"

Tanong ni Britney habang kumakain ng pancake.

"Naku, wag ka ngang chismosa babae ka! Kumain ka nalang diyan!" Sermon naman sakanya ni Manang

"Sobra naman Manang... Chismosa agad?! Nagtatanong lang naman po ako."

Imbes na sumagot, ay nginitian ko nalang si Britney.

♪ ♫ DING-DONG!!! ♪ ♫

Biglang may nag door-bell.

"Sino kaya yun? Britney, tinangnan mo nga kung sino yun."

Sabi ni Manang Janet

"Teka, ako na Britney, tapos nanaman akong kumain eh."

"Sure ka?"

"Oo, sige tuloy mo na ang pagkain mo."

Lumabas na ako para tinangnan kung sino yung nag dodoor-bell. Medyo nakakabuwisit kasi paulit-ulit pinipindot. Atat na atat lang?

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa harap ang isang babae, maganda siya, sexy at matangkad. Matangkad pa nga sa akin eh, naka-heels kasi. Teka, parang namumukhaan ko siya... Tama, siya yung babaeng walang bra na kasama ni Ryan sa kwarto nung nakaraan.

"Nandyan ba si Ryan?" Tanong niya sa akin

"Oo nandito pero---

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinawi na niya ako para makadaan siya, at dirediretso na siyang naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko siya siyempre.

"Nasaan ba siya? Pakitawag mo nga, sabihin mo nandito si Miley."

Sabi niya sa akin pagkatapos niyang umupo sa sofa.

"Yun nga ang sasabihin ko sainyo kanina. Nandito siya kanina, pero nag jogging kasi siya, hindi pa siya nakakabalik."

Sabi ko naman.

"Ganun ba? Pwes, hihintayin ko nalang siya. Teka, diba ikaw yung nang istorbo sa amin ni Rye nung nakaraang linggo? Tama ba?"

Nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Hindi ko naman kayo gustong istorbohin nun sa ginagawa niyo. Hindi ko naman kasi alam na may ginagawa pala kayo. Tska Pinapunta ako ni Ryan noon."

Sagot ko naman.

"Whatever! Nang istorbo ka padin sa amin! Ikuha mo nga ako ng Apple Juice! Pakibilisan!"

Buwiset na to ah. Kung utusan ako parang alilia niya ako.

"Miley? Ano ginagawa mo dito?"

Napatingin ako sa nagsalita, si Ryan na pala yun.

"Hey! Rye! Andyan ka na pala!"

Sigaw ni Miley. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit kay Ryan, agad na inilingkis nito ang dalawang kamay sa leeg ni Ryan at hinalikan si ito sa labi.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon