Chapter 25 - Pag-ibig

38.6K 659 93
                                    

-----------------------------------------------------

-JOSH'S POV:

Ano ba talaga tayo? Ito ang mga salitang gustong-gusto kong itanong kay Ryan. Pero ito din ang tanong na takot akong sabihin sakanya.

Takot kasi akong malaman kung ano ang maaari niyang maging sagot. Paano kung wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin?

Paano kung pagiging magkaibigan lang talaga?

Paano kung sadyang mabait na tao lang talaga siya kaya siya ganoon sa akin. Baka ako lang ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng magagandang bagay na ginagawa niya para sa akin.

Paano kung hindi naman talaga LOVE ang nararamdaman niya sa akin, kundi LUST?

Naguguluhan ako. Alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Pero siya? Hindi ako sigurado kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa akin.

Pero isa lang ang malinaw para sa akin. Ayoko nang masaktan. Ayoko nang muling makaramdam ng matinding sakit dahil lang sa Pag-ibig na yan.

Kaya siguro tama na itago ko nalang tong nararamdaman ko para sakanya. Dapat makuntento nalang ako sa pagiging magkaibigan namini. Tama. Ganun na nga. Mas mabuting walang relasyon. Para walang masasaktan kasi walang maiiwanan kasi walang mang-iiwan. Walang commitment.

Tatlong Linggo na ang nakalipas mula nang nagpunta kami sa Zambales. Akala ko noon lahat nang paglalambing, ka-sweetan na pinaramdam niya sa akin doon sa resort ay hanggang doon nalang. Pero mali ako. Hanggang nandito kami sa bahay ay patuloy siyang ganoon sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilang lalo siyang mahalin dahil sa mga ginagawa niya. Nakaka-badtrip, na nakakainis na nakakakilig?

"Huy Josh! Nalunod na yang halaman!"

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang magsalita si Britney.

"Ay! Sorry..." Sabi ko nalang at inilipat ko sa ibang halaman yung hose na hawak ko.

"Tulaley ka kasi dyan eh! May problema ka ba?" Tanong niya

"Huh? Wa-wala. Siguro kulang lang ako sa tulog." Palusot ko

"O siya. Akin na yan. Ako na ang magdidilig niyan dahil may bisita ka! Puntahan mo na nandoon sa Living room."

"Huh? Bi-bisita? Sino naman ang bibisita sa akin?" Nagtataka kong tanong.

Inikutan pa ako ng mata nito bago nagsalita.

"Ewan ko sayo! Sino pa ba eh di yung tall,dark and handsome mong manliligaw! Si Ser Michael!" Sabi niya sabay agaw ng hawak kong hose.

Napabuntong hininga nalang ako. Si Michael lang pala. Sabagay sino pa ba bibisita sa akin? Siya lang naman ang madalas pumunta dito para bisitahin ako.

"Hindi ko manliligaw yun! Kaibigan ko lang yun. Napaka-malisyosa mo talaga." Kontra ko naman.

"Whatever! Basta bilisan mo na. Puntahan mo na. Baka naiinip na yun!" Pa-english english pa ang loka

Pagkasabi ni Britney noon ay naglakad na ako patungo sa living room. At doon nakita ko siyang prenteng-prente na nakaupo sa sofa. Nakapatong pa ang magkabilang kamay sa sandalan ng sofa.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at nginitian na ako ng ubod ng tamis. Na ginantihan ko naman ng masamang tingin.

"Ano nanaman ginagawa mo dito? Kaaga-aga." Sabi ko na may halong pagkainis sa tono ng pananalita ko.

"Ganyan ba batiin ang isang bisita? Hindi manlang ba dapat good morning ang bungad mo sa akin?" Naka-ngiti niyang sabi sa akin.

"Good morning po! Bakit ho ba kayo napunta dito? Ano nanaman po ba ang kailangan niyo sa akin?" Sarkastiko kong sabi na may kasama pang pekeng ngiti.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon