Chapter 10 - Ryan and Steven

43K 796 79
                                    

Habang abalang nakikipag-usap si Josh kay Steven sa cellphone ay biglang may kumatok sa pintuan niya.

"Steven, sandali lang. Bubuksan ko lang ang pinto, wag mong ibaba ang tawag." Paalam niya dito

Agad niyang binuksan ang pintuan at laking gulat niya na ang bumungad sakanya ay walang iba kundi si Ryan.

"Ryan?!" Gulat na sabi ni Josh

Pero hindi sumagot si Ryan, nanatili itong nakatingin lang sakanya. Naramdaman ni Josh ang matinding pagnanasa sa mga mata ni Ryan, dahil dun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni niya

"Ma-may Ka-kailangan ka ba?" Nauutal na tanong ni Josh

Pero imbes na sumagot si Ryan ay hinila niya si Josh at agad sinisil ng halik. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay imbes na tumanggi si Josh, ay muli siyang nagpaubaya kay Ryan at sa pangalawang pagkakataon, tinugon niya ang halik nito.

Nabitawan niya ang cellphone na hawak-hawak. Naglakad si Ryan papasok ng kwarto ni Josh na hindi napuputol ang mapusok nilang halikan. Isinandal naman niya sa pader si Josh at doon ay hinubad niya ang suot na tshirt nito.

Hinalikan niya sa leeg si Josh, pababa sa kanang nipple nito. Hindi naman mapigilang mapasinghap ni Josh sa nararamdamang sarap sa ginagawa sakanya ni Ryan. Muling bumalik sa labi niya ang paghalik nito. Inilingkis niya sa leeg ni Ryan ang magkabilang kamay niya at hinawakan siya ni Ryan sa bewang at binuhat siya nito at ihiniga sa kama.

Doon nagsimula na ang maiinit nilang romansahan. Napa-ungol ng malakas si Josh ng ipinasok na ni Ryan sakanya ang pagka-lalake nito. Dahan-dahan siyang binayo nito na nagbigay ng magkahalong sakit at sarap para sakanya.

Habang binabayo siya ni Ryan, ay patuloy ang halikan nilang dalawa. Nang malapit na nilang marating ang rurok ng kaligayahan ay biglang bumukas ang pinto.

"Mga hayop kayo!!!"

Napahinto sila sa ginagawa at napatingin dun sa nagsalita.

"Miley?!" Sabi ni Josh.

Laking gulat niya na biglang may nilabas itong baril at itinutok sakanila ni Ryan.

"Mamatay na kayong mga manloloko!!" At ipinutok na nito ang hawak na baril.

"Waaaaag!!!!!" Sigaw ni Josh ng magising siya sa isang bangungungot. Napaupo siya at habol-habol ang hininga.

Ihinaplos niya sa mukha patungo pataas sa ulo niya ang magkabilang kamay.

"Panaginip lang pala. Buti nalang."

Kinuha niya ang cellphone sa tabi niya at tiningnan ang oras, alas-sais na ng umaga. Bumangon na siya ng kama at dumiretso sa banyo at naligo. Biglang pumasok sa isip niya yung napaginipan niya na nangyari sakanila ni Ryan.

Pagkatapos maligo ay nag tooth brush siya at nagbihis na ng kanyang uniform at naghanda na para sa panibagong araw ng kanyang pagtatrabaho.

Tinungo niya ang kusina at nakita niyang naghahanda na ng agahan si Manang Janet.

"Magandang umaga Manang, tulungan ko na po kayo." Sabi niya sa matanda

"Magandang umaga din sayo Josh, naku wag na, kaya ko na to. Araw-araw ko ng ginagawa to. Umupo ka nalang diyan at antayin mong maluto ito."

"Mag didilig muna po ako ng mga halaman sa garden habang nagluluto pa kayo."

"O siya sige, bahala ka."

Agad niyang tinungo ang garden at kinuha ang hose para simulang diligan ang mga halaman. Habang abala siya sa ginagawa ay naalala niya si Steven, kaya kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya para itext ito.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon