Chapter 03 - Ang Kasunduan

42.5K 786 40
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Alas-otso nang bumangon ako sa kama. Hindi nga ako naka-tulog kagabi kakaisip ng mga kailangan kong gawin bago ko tanggapin ang alok ni Ryan. Ngayong araw marami akong gagawin. Kailangan ko pumunta sa pinagtatrabahohan ko para mag-resign. Pumunta kay Kuya Paul para makiusap na siya muna ang bahala kila Lola at Ringo habang wala ako. At ang huli, ay puntahan si Steven para sabihin sakanya ang desisyon ko.

Dumiretso ako ng banyo para mag-toothbrush at maligo. After nun nagbihis na ako para pumunta na ako sa pinapasukan ko.

Pagbaba ko ay narinig kong may kausap sila Lola sa dinning room. "Si Ryan nanaman kaya yun?!" Sabi ko sa isip ko.

Pero mali ang hula ko. Hindi si Ryan ang kasabay nilang kumain at masaya nilang kausap, kundi si Steven.

"Oh Hon gising ka na pala." Naka-ngiting bati niya sa akin.

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Good morning Hon." Sabay halik sa labi ko.

"Steven, ang aga mo naman?" Sabi ko

"Mamaya na tayo mag-usap. Tara kumain ka na. Masarap yung nilutong adobo ni Lola Pet." Sabi niya sa akin.

Habang kumakain ay tinitingnan ko si Steven. Ibang-iba siya ngayon kesa kagabi. Masaya siyang nakikipag-kwentuhan kila Lola at maganang kumakain. Kaya gabi lang, ay galit siya sa akin.

"Hon, kain ka lang ng kain. Mamayat ka niyan eh."

Sabay lagay ng kanin at ulam sa pinggan ko.

Nginitian ko lang siya bilang tugon. Bigla naman niya akong hinalikan sa labi. Nagulat naman ako.

"Naku, ka-sweet talaga nitong mga batang to."

Bigla sabi naman ni Lolo Pet. Naramdaman ko nalang na nag-init ang mukha ko.

Pagkatapos namin kumain inaya ko siyang pumunta sa garden para maka-usap ko siya. Kailangan kong sabihin sakanya na nakapag-desisyon na ako, na tatanggapin ko na ang alok sa akin ni Ryan.

"Hon, gusto ko lang sabihin sayo na---."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap.

"Hon, sorry. Hindi ko dapat sinabi sayo yung mga nasabi ko sayo kagabi. Napaka-selfish ko na hindi ko manlang iniisip na importante sayo ang pamilya mo. Na ikaw lang ang inaasahan nila. Sorry Hon."

Sabi niya sa akin habang yakap-yakap ako. Tinugon ko na rin ang yakap niya.

"Ok lang. Tama ka naman eh, madalas puro pamilya ko lang ang naiisip ko. Pag pasensyahan mo na din ako kung nagkukulang ako sayo bilang boyfriend."

Kumalakas siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa mukha.

"Wag mong isipin yan. Hindi ka nag kukulang sa akin bilang Boyfriend, Ok? Nang pumasok ako sa buhay mo, alam ko na na ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo. Kaya ako humihingi ng sorry sayo sa inasal ko kagabi."

Huminga siya ng malalim.

"Kagabi pinag-isipan ko ang lahat. Alam kong importante sayo ang pamilya mo, at importante sainyo ang bahay na to. Kaya... Pumapayag na ako."

Sabi niya sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihing pumapayag ka na? Ibig ok na sayo na..."

Ngumiti siya at tumango sa akin.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon