Chapter 17 - Magkakaibang Damdamin

35.9K 779 117
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POV:

Siguro galit sa akin si Ringo, dahil hindi ko sila nasundo ni Lolo Pet ngayon. Pero alam ko namang isang bucket na friend chicken lang ang katapat noon para mawala na ang tampo niya. Gusto ko lang talagang mapag-isa, kahit ngayon lang.

Nang lumabas ako ng mansyon, isa lang ang gusto kong puntahan, yun ay si Steven. Pero sabi ko sa sarili ko, para saan pa kung pupuntahan ko pa siya? Tapos na ang lahat sa amin. Binitawan na niya ako. Sumuko na siya.

Parang mga kutsilyong bumabaon sa puso ko ang mga salitang binitawan niya sa akin nung huli kaming nag-usap. Napaka-sakit marinig sa isang taong mahal mo, na sumusuko na siya dahil hindi na siya masaya sa relasyong mayroon kami.

Hindi daw niya kayang maging masaya sa isang relasyong tinututulan ng lahat. Gusto daw niya ng normal na buhay, na may pamilya, may anak at may asawa. Pamilyang maipagmamalaki niya, isang normal na pamilya.

Nang sabihin niya yun, bumaba ang tingin ko sa pagkatao ko. Parang isinampal niya sa akin na ang maka-relasyon ang isang baklang katulad ko, ay kahit kailan ay hindi magiging normal at magiging katanggap-tanggap.

Hanggang ngayon tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako nagawang saktan ni Steven ng ganito. Kung bakit kailangang iparamdam niya sa akin ang ganitong sakit.

Bakit hinayaan nung simula palang. Bakit hinayaan pa niyang ipaglaban ko siya?

Bukas, aalis na sila ni Demi para mag migrate sa canada para doon buo ng sariling pamilya. Samantalang ako, iniwanan nalang niya, binitawan ng basta-basta.

Maghapon akong nandito sa puntod ng mga magulang ko. Matagal na din ng huli akong nakadalaw kila Mama at Papa. Dito sa lugar na to, nakukuha ko ang gusto ko. Isang tahimik na lugar kung saan mapag-iisa ako.

Pero mayroon akong naramdamang papalapit sa akin mula sa likuran ko. Ilang saglit lang ay tinabihan na niya ako ng pag-upo dito sa damuhan. Kahit hindi ko siya lingunin, kilala ko siya. Si Ryan, pero hindi ko siya pinansin.

"Tinawagan ako ni Ringo, tinatanong ka niya sa akin. Hinihintay ka daw nila pero hindi ka dumating."

Pagbasag niya ng katahimikan sa aming dalawa.

"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sakanya na hindi parin tumitingin sakanya.

"Ayokong sabihin kung paano ko nalaman. Tara na umuwi na tayo. Alasais na. Dumidilim na." Sagot niya

"Ayokong umuwi. Gusto ko muna dito. Ok lang ba master?"

Tanong ko sakanya.

"Bahala ka. Basta hihintayin na kita, sabay na tayo." Sagot niya

Muli kaming binalot ng katahimikan. Nakatingin lang ako puntod ni Papa at ewan ko kung ano ang ginagawa niya.

"Master, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"

"Depende Alipin, ano bang pabor yun?" Seryosong niyang tanong

"Pwede bang, kahit ngayon lang, maging kaibigan kita Master? Kahit sandali lang?" Sabay tingin ko sakanya.

Tumingin siya sa akin sandali at muling iniwas sa akin. Naramdaman ko nalang na inakbayan niya ako, at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Sige, pumapayag ako. Binibigyan kita ng 30 minuto para maging kaibigan ko. Sabihin mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin at makikinig ako."

Sagot niya sa akin.

"Gusto ko lang tanungin yung dati ko pang tanong nung 16 palang tayo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa alam ang sagot eh..."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon