Chapter 12 - Kapalit ng Kasinungalingan

36K 688 88
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Mabilis na pinatakbo ni Steven ang kotse. Sinasabi ko sakanyang bagalan pero parang wala siyang naririnig. Bingi siya sa bawat salitang sinasabi ko sakanya. Mas natatakot ako sakanya, sa kinikilos niya kesa sa mabangga kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

Nakarating kami sa mansyon nila Ryan, bumaba siya at pumunta sa pintuan ko at hinila ako pababa ng kotse. Hinihila niya ako papasok sa mansyon. Pakiramdam ko ay susgurin niya si Ryan kaya pinigilan ko siya bago kami makpasok sa gate, dahil ayoko ng gulo.

"Steven, ano ba ang gagawin mo? Wala naman kasalan dito si Ryan, ako ang may gustong hindi sabihin sayo ang nakaraan namin." Umiiyak kong pagtatapat sakanya.

Pagkasabi ko noon ay binitawan niya ako at laking gulat ko ng suntukin niya ang bintana ng kotse niya.

"Steven!" Sigaw ko. Tiningnan niya ako at nakita ko ang nanlilisik sa glit niyang mga mata. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso sa bandang pulso ng sobrang higpit at isinandig ako sa pader ng labas ng bahay nila.

"Steven, nasasaktan ako." Sabi ko

"Bakit? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan dito sa pagsisinungaling mo ah?! Pinagmukha mo akong tanga!!"

Galit na sabi niya sa akin. Ramdam kong mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Kaya ko lang naman hindi sinabi sayo, dahil alam kong pag nalaman mo, hindi mo ako papayagan mag trabaho sakanya."

"Alam mo naman pala eh! Bakit ginawa mo parin?! Bakit nag trabaho ka pa din sakanya?! Ha?!"

"Alam mo naman ginagawa ko lang to para sa pamilya ko. Dahil ayo--"

"Puro pamilya! Puro pamilya!! Sawang-sawa na akong marinig yan sayo!!"

Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Baka naman kaya tinanggap mo ang alok niya dahil gusto mo pa siya? Mahal mo pa siya ano?! Gusto mo siyang makasama sa iisang bahay no?!" Nanggigil niyang tanong sa akin.

"Hindi totoo yan! Ikaw ang mahal ko Steven! Ikaw!" Sagot ko naman sakanya. Pero parang wala siyang naririnig.

"Siguro, gabi-gabi kayong nagsisiping no? Magaling ba siya kesa akin? Mas magaling ba siya ah?!" Sabay halik niya sa akin. Hindi ko na kaya ang ginagawa niya at sinasabi niya sa akin kaya pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya at itinulak siya.

"Tama na! Sumosobra ka na!" Sigaw ko sakanya pero laking gulat ko nang susuntukin niya ako. Napaupo ako sa lupa sa lakas. Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong tumutulo mula sa labi ko.

Hindi ako nakagalaw at napatulala lang ako. Hindi dahil nasaktan ako, kundi sa pagkabigla ko. Hindi ko akalaing magagawa akong saktan ni Steven.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ako tumitingin sakanya nanatili akong nakatingin sa lupa at pinagmamasdan ang dugong tumutulo mula sa labi ko.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at itinayo ako sa pagkakasalampak ko sa lupa.

"Sorry... Hi-hindi ko gustong saktan ka... Na-nabigla lang ako.."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay niyakap niya ako.

"Mahal na mahal lang kita Josh... Mahal na mahal..."

Umiiyak niyang sabi sa akin. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gulat padin ako sa mga pangyayari. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sumakay siya ng kotse niya at pianandar ito.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon