Chapter 05 - Si Master at si Alipin

41.8K 793 64
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Halika pasok ka."

"Nasaan po si Ryan?" Tanong ko kay Manang Janet.

"Naku umalis eh, pinuntahan ang Ate Celine niya sa kumpanya nila." Sagot ni Manang

"Doon po ba nagtatrabaho si Ryan?"

"Hindi. Walang hilig ang batang yun sa pagpapatakbo ng kumpanya. Alam mo namang bata palang yun, ang pagko-kodak na ang hilig nun!"

Natawa naman ako kay Manang dun sa kodak. Ang luma.

"Photographer yun sa US. Ang alam ko ay sumisikat na doon yung batang yun. Sobrang busy nga nun."

Masaya naman ako para kay Ryan. Tama si Manang, highschool palang kami, ay mahilig ng magpicture yun ng kung ano-ano. At madalas ako ang kinukuhanan nun.

"Kaya nung mamatay ang Daddy niya last year ay hindi agad nakauwi ng pilipinas yun. Sa pagkaka-alam ko, umuwi lang yun ngayon dito sa pilipinas para bumisita."

Pagpapatuloy ni Manang Janet.

"Ah ganun po ba." Sabi ko nalang.

"Naku, napapahunta nanaman ako. Tara na at sasamahan na kita sa mgiging kwarto mo."

Sumunod na ako kay Manang Janet, habang dala-dala ko ang dalawang maletang ko.

Lumakad kami ni Manang papunta sa hagdan patungo ng 2nd floor, akala ko sa taas ang magiging kwarto ko pero hind pala. Sa gilid ng hagdan ay may hagdan patungo sa underground ng mansyon. Bumaba kami doon at sa tingin ko parang bodega ang parteng ito ng bahay na to. Binuksan ni Manang yung isang pinto at nakita ko ang isang maliit na kwarto.

"Ok lang ba sayo dito Josh? Sabi ko kay Ryan dun ka nalang sa kwarto namin ni Britney, pero sabi dito daw kita dalin."

Sabi sa akin ni Manang.

"Ok lang po ako dito Manang, kaunting linis lang nito ayos na."

Sabi ko naman.

"Tulungan na kitang maglinis at mag-ayos."

"Wag na po Manang, kaya ko na to. Hindi naman po kalakihan tong kwarto kaya kayang-kaya ko ng linisin."

"Sigurado ka?" Tumango ako bilang tugon kay Manang.

"Yung pinto malapit sa kama, yun ang banyo mo. Maayos pa yun at malinis. Wala naman kasing nakaka-gamit noon. Maiwan muna kita, kukuha ako ng mga unan, kumot at sapin sa kama na pwede mong gamitin."

"Salamat po talaga Manang." Naka-ngiti kong sabi.

Pagkaalis ni Manang ay nagbihis muna ako ng mas kumportableng damit bago ko simulan mag linis.

Buti nalang wala akong hika. Dahil kung meron, baka kanina pa ako inatake sa dami ng alikabok dito.

Linis doon, linis dito. Ligpit doon, ligpit dito. Ilang sandali pa ay maayos na ang kwarto ko. Ang dating bodega, mukhang condo na ngayon. Haha. Proud ako sa sarili ko, kasi hindi ko akalain na makakaya kong maayos ito. Si Lola Pet kasi ang kadalasan na naglilinis ng kwarto ko.

Naligo muna ako dahil nanglalagkit na ako. Pagkatapos, humiga muna ako sa kama para makapag-pahinga. Mukhang wala pa naman ang bossing ko, kaya siesta muna. Tutal maaga pa naman.

-----------------------------------------------------

"Kung tinatanggap mo nalang kasi ang alok ko sayong magtrabaho dito sa company, di sana, hindi nasasayang ang oras mo sa walang kabuluhang bagay. Nakakatulong ka pa sa negosyo natin."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon