Chapter 07 - Naguguluhang Damdamin

39.2K 763 47
                                    

-----------------------------------------------------

"Huy! Josh! Tutunganga ka nalang ba diyan? Yung boyfriend mo naghihintay ano ka ba."

Napapa-padyak pang sabi ni Britney.

"Nasaan si Ryan?" Kinakabahang tanong ni Josh

"Nasa kwarto niya ata si Ser. Ganun naman lagi yun. Laging naka-kulong sa kwarto."

"Kailangan maialis ko dito si Steven bago siya makita ni Ryan. Baka kasi hindi gusto ni Ryan na nandito siya."

Sabi ni Josh sa isip niya.

Tinahak na ni Josh ang daan papuntang living room para harapin ang boyfriend. Inilagay niya sa likod niya ang magkabilang kamay niya para maitago kay Steven ang mga sugat sa kamay niya.

"Hon!" Naka-ngiting bati ni Steven sa Nobyo.

Hindi pa man nakakapag-salita si Josh, ay nilapitan na agad siya ni Steven at niyakap ng mahigpit.

"I Miss you Hon! I miss you..."

Sabi ni Steven na tila sabik na sabik sa nobyo.

"Namiss din kitang unggoy ka." Sabay yakap din ni Josh.

Bumitaw na sa yakap ang dalawa.

"Namiss talaga kita Hon. Sobra." Si Steven

"Maka-sobra ka naman. Eh isang araw palang tayong hindi nagkakasama eh." Naka-ngiting sabi ni Josh.

"Eh alam mo namang nasanay na ako na lagi tayong magkasama. Pagka-galing ko sa work, nasanay na akong pinupuntahan kita."

Hinawakan ni Steven si Josh sa bewang para mas mailapit pa ito sakanya.

"Parang hindi mo ata ako namiss?" Si Steven

"Anong hindi? Miss na miss kita no!" Sabay halik nito sa labi sa nobyo, na agad din namang tinugon ni Steven.

"I Love you." Si Steven

"I Love you too." Si Josh

"Kamusta ka na dito? Teka, bakit ganyan ang suot mo?"

Tanong ni Steven.

"Ba-bakit? Ano masama sa suot ko?" Si Josh

"Yaya ka ba dito?" Tanong ni Steven

"Ah-eh... Oo! Yaya ako dito. Yaya ako nung anak ni Ate Celine. Yung kapatid ni Ryan." Palusot naman ni Josh.

"Ahh... Ano yang tinatago mo sa likod mo? Bakit nandiyan ang kamay mo?"

Nanlaki ang mata ni Josh. Napansin na ni Steven ang kamay niyang nakatago sa likuran niya.

"Wa-wala no! A-ano naman ang itatago ko?"

Pero hindi naniwala si Steven. Hinatak niya ang dalawang kamay nitong nakatago sa likuran.

"Steven, teka...." Pagpigil ni Josh pero huli na.

"Ano to?! Bakit ganito ang kamay mo?! Bakit puro sugat?!"

Pinagmasadan ni Steven si Josh mula ulo hanggan paa.

"Tska ano yang nasa pisngi mo?! Akala ko ba yaya ka lang ng pamangkin ni Ryan? Umamin ka nga sa akin. Ano ba talaga ang totoo ah?"

Napataas na ang boses Steven.

"Ka-kasi... Naglaba ako. Eh hindi pa ganun ka sanay ang kamay ko kaya nagka-sugat ang kamay ko. Tska nagluto ako kanina kaya natalsikan ako ng mantika sa mukha. Pero Hon, sa una lang to. Masasanay din ako pagnagtagal"

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon