Chapter 36

24.8K 505 103
                                    

Dedicated ang chapter na to sa kuya ko sa wattpad na si @malebolge :) salamat sa pagsuporta mula pa sa AKK hanggang ngayon. At salamat din sa pagiging isang kaibigan sa akin :))

Eto na ang Chapter 36! Enjoy ;)

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

"Nasaan nga pala si Ryan?" Tanong ni Jessie sa kaibigang si Josh

"Pumunta sa binyag yung anak ng bestfriend niyang si Ricky. Kinuha kasi siyang ninong." Sagot naman ni Josh sabay inom ng iced tea.

"O bakit hindi ka sumama sa asawa mo? Diba dapat kasama ka dun." Tanong ulit ni Jessie sabay subo naman ng paborito niyang baked mac.

"Masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako sumama." Sagot naman ni Josh

"Ah. Oh.. Okay... Masama ang pakiramdam? O LQ kayo ng asawa mo??" Sabi naman ni Jessie

"Huh?! Hindi ah... Hindi kami LQ... Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

Tumayo naman sa kinauupuan niya si Jessie at umupo sa tabi ni Josh.

"Kilala kita bhez... Kilalang-kilala kita... Alam kong may something. Hindi mo ako papupuntahin dito sa katanghaliang tapat para lang pakainin ng Baked mac." Sabi naman ni Jessie sabay hawak sa kamay ni Josh na nakapatong sa mesa.

"Ano? Ano problema mo? Go na. Sabihin mo na."

Napakagat naman ng labi si Josh sabay iwas ng tingin sa kaibigang si Jessie.

"May problema ba kayo ni Ryan? May babae ba siya may-

"Wala. Wala bhez. Walang problema kay Ryan. Sa-sa akin." Pagputol ni Josh sa sasabihin ni Jessie

"Sayo?! Bakit? Ano problema?"

Muling iniwas ni Josh ang tingin kay Jessie.

"Nakita ko si Steven." Mahinang sabi Josh

Nanlaki naman ang mata ni Jessie at napabitaw sa kamay ng kaibigan.

"What?! Si Steven? Kailan? Saan?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Nung nakaraang araw. Nakita ko siya sa grocery." Malamig na tugon ni Jessie

Napabuntong hininga si Jessie.

"So.. Bakit? Anong nangyari?"

"Wala. Hindi kami nakapag-usap. Ayoko. Umalis ako sa lugar na yun agad-agad."

"Alam ba ni Ryan to? Alam ba niyang nakita mo si Steven?"

"Hindi. Hindi ko sinabi sakanya. Ikaw palang ang nasabihan ko tungkol dito." Sagot ni Josh sabay tingin kay Jessie

Napabuntong hininga ulit si Jessie sabay inom ng iced tea.

"Bhez, gusto ko lang paalala sayo na may asawa ka na. Dalawang taon na kayong kasal. Pinakasalan mo siya."

"Hindi ko naman nakakalimutan yun."

"Kung ganoon. Bakit ka nagkakaganyan? Bakit ka namromroblema ngayon dahil lang nakita mo Steven?"

"Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Hindi ko alam!" Sabay hilamos ni Josh sa mukha niya gamit ang kamay.

Hinawakan naman siya sa balikat ni Jessie.

"Mahal mo ba si Ryan?" Tanong nito

"Oo. Mahal ko siya. Mahal ko ang asawa ko." Sagot ni Josh sabay tingin kay Jessie.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon