Chapter 31 - With You

40.1K 595 90
                                    

Hello! Happy new year! :) eto na. muli nanaman akong nagbabalik haha... Pasensya na sa matagal na hindi nakapag-UD ah... Pero ngayong 2014 ay pakiramdam ko ay ganado na ako. At gusto ko ng tapusin to. Tagal na eh. XD Salamat sa patuloy na nagbabasa nito. :)

Dedicated ang chap na to kay @Elijah_4 Pasensya na po at ngayon lang nangyari ang req mo. Salamat sa pagbasa at god bless you :)

Eto na. Chapter 31 "With You" Enjoy! :D

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-JOSH'S POV:

Nagising ako mula napaka sarap at kumportableng pagkakatulog. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko, lalo na sa balakang at yung parteng yun ng katawan ko.

Pero agad din nawaglit sa akin ang nararamdaman kong iyon at gumuhit ang ngiti sa labi ko, nang maalala ko mukha ng taong mahal ko.

Nag-unat ako at nanatiling nakapikit. Napadilat ako ng mapansin kong wala akong katabi sa kama. Pero iba na ngayon. Hindi na ako nakaramdam ng takot kagaya kahapon. Kasi alam ko at sigurado akong hindi ako iiwan ng mahal ko.

Napangiti akong muli at umupo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at bumababa na ako ng kama. Dumiretso ako ng banyo para maghilamos.

Nang makarating ako ng sink at napatingin ako replection ko sa salamin. Tanging boxer shorts lang ang suot ko ngayon. Natuon ang paningin ko sa hickey sa right collar bone ko.

Napangiti ako at napahaplos ako sa hickey na yun gamit ang kanan kong kamay. Napakit ako at lalo akong napangiti nang maalala ko kung paano ako nagkaroon nito.

Nang maalala ko ang mga nangyari sa amin. Kung paano namin pa-ulit ulit pinaramdam sa isa't isa kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Kung gaano kami ka sabik sa isa't-isa.

Nanatili akong nakapikit at patuloy inaalala kung paano dumapi ang labi niya sa labi ko. Sa leeg ko. Sa katawan ko. Kung paano niya ibulong sa akin kung gaano niya ako ka mahal.

Maya-maya ay napasinghap ako ng may maramdaman akong dalawang kamay na yumakap sa akin mula sa likuran ko. Kahit na may telang humaharang ay ramdam ko ang init ng katawan niya sa pag dikit sa likod ko.

Init na talagang nagpapakalma sa akin. Init na kung maari lang ay palagi kong maramdaman minu-minuto. oras-oras.

Bigla kong naramdaman ang pag halik niya sa akin sa kanang parte ng leeg ko. Napadilat ako at nakita mula sa salamin sa harap ko ang taong pinaka mamahal ko.

Nakayakap sa akin at nakasubsob ang labi sa leeg ko. Napangiti ako at nakita at naramdaman ko ang pag halik niya sa pisngi ko.

"Good morning, Mine ko..."

Bulong niya sa akin. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa salita niya na nagpangiti sa akin.

"Good mornging din mine ko..." Bulong ko din sakanya. Nakita ko mula sa salamin na ngumti siya sa akin na sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap ng magkabilang kamay niya sa tiyan ko. Agad ko namang ipinatong ang magkabila kong kamay sa kamay niyang nakayakap sa akin.

Napapikit ako at isinandal ko ang ulo ko katawan niya, habang niraramdamdam ko ang init ng labi niyang nakasubsob sa leeg ko.

OA man pero parang maiiyak ako. Ewan ko, pero nagiging emosyonal ako. Siguro kasi napaka-saya ko lang. Ngayon lang ulit ako nakaramdam na maging ganito ka-saya. At yun ay dahil kasama ko ngayon ang taong mahal ko. Kayayap ko at ramdam ko ang pagmamahal niya rin sa akin.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon