Chapter 13 - Ang Lihim

35.4K 705 88
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang maganda at mestizang babae. Sa pagkaka-alam ko ngayon ko palang siya nakita. Pero nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Parang nabigla siya nang makita ako. Napansin ko din ang takot at kaba sa mga mata niya. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"I-ikaw si Josh tama ba?"

Medyo nagulat ako ng kilala niya ako. Tumango ako bilang tugon.

"Wala dito si Steven eh, pumasok na sa trabaho."

Sabi niya sa akin.

"Ganun ba? Pwede ba kitang makausap?" Sabi ko

"Sige, tara pasok ka."

Alam kong pilit ang ngiting ibinibigay niya sa akin. Nakikita sa mata niya ang tunay niyang nararamdaman sa pagkaka-kita niya sa akin. Ramdam ko na ang babaeng ito ay may malaking parte sa buhay ni Steven.

"Upo ka muna, ano nga pala ang gusto mong inumin? Coffeee, Tea, o Orange Juice?"

"Tubig nalang." Sagot ko naman

Umupo ako sa sofa at inikot ko sa buong unit ang mga mata ko. Walang pinagbago, puti parin ang pintura nito at walang nabago sa ayos ng mga gamit dito, ganoon parin kagaya ng unang punta ko dito.

Nakita kong pabalik na siya dito mula sa kusina, dala-dala ang isang basong tubig. Pero hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayari.

Pagdating niya sa harap ko, ay biglang niya ibinuhos ang dala-dalang tubig sa sarili niya at bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Pa-patawarin mo ako Jo-josh... Hi-hindi ko sinasadyang guluhin kayo ni Steven, patawarin mo ako..."

Umiiyak niyang sabi sa akin.

"Hindi namin ginustong mabuo ito. Hindi ginusto ni Steven, na mabuntis ako. Ako ang may kasalanan. Patawarin mo ako."

1.. 2... 3....

Parang huminto ng 3 segundo ang tibok ng puso ko, sa narinig ko.

"Bu-buntis ka?" Biglang lumabas sa bibig ko

"Oo, Josh, patawarin mo ako..." Umiiyak niyang sagot

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sakanya at pinapanood kunb paano siya umiyak. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa sofa at tinulungan siyang tumayo.

"Tumayo ka na diyan. Tumigil ka na sa pag-iyak, baka makasama yan sa bata."

Tinulungan ko siyang umupo sa sofa at kumuha ako ng tubig sa ref at ibinigay yun sakanya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang basa niyang mukha, sa magkahalong tubig at luha.

Gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako, pero kailangan wag akong magpadala sa emosyon ko, marami pa akong mga katanungan sa isip ko na gusto kong sagutin niya.

Pinakalma ko muna siya. Nangangatog kasi siya at patuloy padin sa pag-iyak.

"Ok ka na?" Tanong ko sakanya. Tumango siya sa akin bilang tugon.

"Gusto kong ikwento mo sa akin ang lahat-lahat." Seryosong sabi ko sakanya

Nagsimula na siyang magkwento. Habang nagsasalita siya ay nakatingin lang siya sa kamay niyang nakapatong sa hita niya. Pilit din niyang pinipigil ang pag-iyak.

Nangyari daw ang lahat sa birthday party ng Papa niya sa bahay nila. Invited daw si Steven at Mama niya sa party na to, kaso hindi nakasama si Tita kaya si Steven lang nakadalo.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon