Chapter 23 - Alaala, Biyahe, Banat

35.7K 733 125
                                    

-----------------------------------------------------

-RYAN'S POV:

|FLASHBACK|

"Bakit hindi ka pa nag gigirlfriend? Ang gandang lalake mo. Siguradong habulin ka ng mga kababaihan at maging mga binabae sa school niyo."

Naka-ngiting sabi sa akin ni Tito Elvis

Natawa't napakamot nalang ako ng batok.

"Naku po, mali po kayo ng akala. Hindi po ako habulin sa school. Wala nga pong masyadong pumapansin sa akin doon. Yan pong si Josh ang habulin at campus crush! Mapa-babae o lalake hinahabol yan!" Natatawa ko namang sagot

"Mana sa Mommy niya yang si Josh. Malakas ang appeal. Ganun na ganun ang Mommy niya nung mag classmates palang kami. Napaka-raming nangliligaw, nagpapapansin. Minsan yun pag bukas ng locker niya. Isang katutak ang love letters na nakalagay sa loob." Sabi ni Tito Elvis.

"Talaga po? Parang si Josh nga po pala. Ganyan din yan sa school eh. Daming admirers." Ani ko

"Masasabi ko ngang parang siya ang lalakeng version ng Mama niya. Kahit sa itsura. Magkamukha sila. Napaka-amo ng mukha. Magandang mga mata, cute na ilong mapulang labi."

Sabi ni Tito habang nakatingin kay Josh na abalang-abalang nag-iihaw ng bbq kasama ang Mama niya. Hindi ko na rin maiwasan mapatingin sakanya. Tama si Tito. Napaka-amo ng mukha ni Josh. Yun tipong hindi ka magsasawang tingnan kahit buong araw.

"Ano nga ba ang hanap mo sa magiging girlfriend mo balang araw?"

Naputol ang pagtitig ko kay Josh nang magsalita si Tito.

"Ahh...wa-wala naman po akong hinahanap na katangian. Basta po makakasundo ko lang at mahal ako at mahal ko din. Ayos na po yun." Sagot ko

"Imposible! Siguradong may mga katangian kang gusto mo sa magiging girlfriend mo." Si Tito

Bigla naman akong napatingin kay Josh nang bigla itong tumawa. Kahit ang pagtawa niya napaka-cute. Yun tawang nakakahawa. Pag narinig mo, mapapatawa ka na rin. Hindi ko mapigilang mapanigiti at hindi ko namalayan na napansin yun ni Tito Elvis.

"Paktay tayo diyan. Mukhang yung mga katangiang gusto mo ay hindi mo sa babae makikita. Kundi sa anak ko."

Bigla akong napatingin kay Tito.

"A-ano po?" Nauutal kong tanong.

"Matagal ko ng napapansin na hindi lang basta kaibigan ang tingin mo sa anak ko. Alam kong higit pa dun ang pagtingin mo sakanya." Naka-ngiting sabi ni Tito

Hindi naman ako nakapag-react. Pakiramdam ko na nag-init ang mukha ko at pinagpawisan ako ng sobra.

"Alam ko sa tuwing pinagtatakpan mo ang anak ko sa mga kalokohan niyan sa school. Sa tuwing tutulungan mo siyang makatakas para gumimik. Sa tuwing aakuin mo ang mga kasalanan niya. hindi mo ginagawa yun dahil kaibigan o kapatid ang tingin mo sakanya. Kundi mahal mo siya ng higit pa doon."

Sabi sa akin ni Tito habang naka-tingin kay Josh. Napalunok nalang ako. Bisto na ako? Ganun na ba ako kahalata sa tunay kong nararamdaman para sa Bestfriend ko? Napatingin nalang din ako kay Josh.

"Maloko yang anak ko. Alam ko. Pero alam kong mabait yan kahit sutil yan. Tanggap ko yan kahit ano pa yan dahil mahal na mahal ko yan. At bilang ama. Ayokong masaktan yan. O makitang saktan yan ng kahit na sinong pontio pilato. Kaya bilang ama, ikakaligaya ko kung mapupunta ang anak ko sa isang taong kagaya mo."

Parang naestatwa ako sa mga narinig ko kay Tito Elvis. Napatingin ako sakanya. At naka-ngiti siya sa akin.

"Magiging maligaya ako. Kung ikaw ang makakasama ng anak ko habang buhay. Dahil alam kong napaka-suwerte ng anak ko kung sa isang katulad mong gwapo, mabait, matalino, at masipag siya mapupunta. Tska alam ko na siguradong mahal mo ang anak ko at hinding-hindi mo siya sasaktan."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon