Chapter 27 - Ariana

32K 674 152
                                    

-----------------------------------------------------

-JOSH'S POV:

Kumuha ako ng tatlong baso at binuhusan ko isa-isa ito ng orange juice.

"Alam mo ba Ariana, bukas papunta na yang si Ryan sa new york para makita ka. Balak ka niya i-surprise, pero siya ang na surprise mo sa pagdating mo."

Mula dito sa kusina. Rinig ko ang boses ni Ate Celine habang kausap niya yung Ariana.

"Oh talaga asawa ko?! Ganun mo na ba ako kamiss? Gagawin mo yun para masurprise ako? Aw! Sweet mo naman."

Napapikit nalang ako nang marinig ko ang boses ni Ariana habang nilalambing nito si Ryan.

"Hoy Josh! Yung juice tumatapon na oh!"

Napadilat ako nang marinig kong magsalita si Britney. Totoo nga. Umapaw na pala yung basong nilalagyan ko ng juice.

"Ay, pasensya na." Sabi ko habang nilalagyan ko ng juice ang huling basong walang laman.

"Bakit ba kasi nakapikit ka? Ok ka lang ba Josh? May sakit ka ba?" Tanong niya

"Wa-wala. Antok lang." Sabi ko. "Teka kuha ako ng basahan"

"Ako na maglilinis niyan Josh. Dalin mo nalang yung Juice doon sa dinning. Baka iniintay na nila yan." Sabi sa akin ni Britney. Tumango nalang ako at kumuha ng tray at inilagay ko doon ang 3 baso at dinala sa dinning.

Pagdating ko doon ay panay ang kwentuhan at tawanan nina Ate Celine at Ariana. Samantalang tahimik lang si Ryan na nakatungo. Parang may malalim na iniisip.

"Buti naman at dumating na ang juice. Kanina pa ako nauuhaw." Sabi ni Ate Celine ng dumating ako

Napatingin sa akin sina Ariana at nginitian ako nito. Napatingin din sa akin si Ryan pero agad din inalis nito ang tingin sa akin at umabot ng isang baso dun sa tray na ibinaba ko at ibinigay dun sa Ariana.

"Thanks asawa ko." Naka-ngiting sabi ni Ariana

Tumngin at ngumiti sakanya si Ryan.

"May ka-kailangan pa ba kayo?" Tanong ko.

"Wala na. Sige na makakaalis ka na." Malamig na tugon sa akin ni Ryan na hindi manlang tumitingin sa akin.

Parang nakaramdam naman ako ng sakit sa dibdib ko sa tugon niya. Parang pinapaalis niya ako na ewan. Parang ayaw niya ang presensya ko. Dahil ba kay Ariana?

"Ok. Sige." Sabi ko at yumuko. Tatalikod na sana ako ng

"Wait Josh." Napahinto ako sa pagsalita ni Ate Celine

"Baka hindi mo pa nakikilala si Ariana."

Napatingin ako kay Ate Celine at naka-ngisi ito sa akin. Napatingin ako kay Ryan at parang gulat ang expression ng mukha nito.

"Ariana, eto nga pala si Josh, kaibigan ni Ryan. Josh siya si Ariana ang fiance ni Ryan." Pagpapakilala nito

Fiance? Akala ko asawa? Ano ba talaga? Pero kahit ano pa man ang relasyon nila sa isa't isa. Isa lang ang dulot noon sa akin. Kundi sakit. Matinding sakit.

"Ate! Hindi pa kami engaged ni Ryan!" Sabi nung Ariana

"Ano ka ba! Ganun na din yun! Dun na rin ang punta niyo! Haha!" Si Ate Celine

Tumayo sa upuan niya si Ariana at lumapit sa akin.

"Hi Josh! Nice to meet you!" Sabay yakap niya sa akin.

Napatingin ako kay Ryan at sandali itong napatingin sa akin pero agad ding inalis.

"Kaibigan ka pala ni Ryan! So, bakit ikaw ang nagdala ng juice? Wala bang maids dito?" Sabi nito

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon