Chapter 19 - Hindi Mapigilang Damdamin

41.2K 765 133
                                    

-----------------------------------------------------

STEVEN'S POV:

"Ok na ba sainyo itong titiran ninyo? Hindi siya ganoon kalakihan, pero tama lang para sainyong dalawa ito. May tatlong kwarto. Yung isa para sainyo yung isa naman para sa nursary ng magiging baby niyo. At yung isa ang guest room niyo. Dun din muna ako matutulog hbang nandito pa ako sa canada."

Sabi sa amin ni Mama ng dumating na kami sa bahay na titiran namin dito ni Demi sa Vancouver.

"Ok na ok po, Tita. Tama kayo. Tamang-tama lang para sa amin ni Steven. Diba Steven?" Naka-ngiting tanong sa akin ni Demi

Nilibot ko ang tingin sa bahay.

"Opo Ma, ayos lang to para sa amin. Sige po, aakyat na ako sa kwarto para magpahinga." Paalam ko sabay bitbit ko ng mga maleta ko.

"Steven tulungan na kita." Sabi sa akin ni Demi

"Wag na. Kaya ko to. Hindi ako inutil para hindi ko makayang buhatin tong mga maleta." Sabi ko sakanya

"Wa-wala naman akong sinabing ganoon." Sabi naman niya

Nakita kong nawala ang ngiti niya sa mukha at napalitan ito ng kalungkutan. Pero hindi ko na yun pinansin pa at binibit ko na ang mga maleta ko at tinungo ang hagdan.

"Anak, yung unang pinto sa kanan ang masters bedroom. Yun ang magiging kwarto niyo ni Demi." Sabi naman sa akin ni Mama

Huminto ako sa pag-akyat sa hagdan ng may makalimutan akong sabihin.

"Demi, dun ka sa kabilang kwarto. Ayokong magkasama tayo sa iisang kwarto. Tawagin mo nalang ako kung may kakailanganin ka." Sabay lingon ko sakanya. Tumango lang siya sa akin bilang tugon.

Pagdating ko sa kwarto ko ay nilagay ko muna sa isang sulok yung mga bagahe ko at ihinagis ko sa kama ang katawan ko.

Habang nakatingin ako sa kisame ay bigla kong naalala ang kaisa-isang minamahal ko. Ang taong minamahal kong naiwan ko sa pilipinas.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko mula dun sa maleta ko ang picture frame na naglalaman ng picture namin ni Josh. Muli akong humiga sa kama at tinitigan kong mabuti ang larawan kong kasama siya.

"Kung alam mo lang na gustong-gusto kitang tawagan bago ako umalis. Para sa huling pagkakataon marinig ko ang boses mo. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko kung itutuloy ko yun. Masasaktan lang kita. Masasaktan lang kita pag nagpaalam ako sayo."

Hindi ko mapigilang mapaluha.

"Mahal na mahal kita Josh. Sobra. At hindi ko alam kung paano ko makakayanan ang sakit na dulot sa akin sa mga araw na hindi kita makakasama." Pumikit ako at niyakap ko ang picture frame. Para akong baliw na iniisip kong siya ang kayakap ko.

-----------------------------------------------------

DEMI'S POV:

"Pag pasensyahan mo na anak ko ah Demi. Pagod lang yun at stress. Alam mo naman ang sitwasyon ngayon ni Steven."

Sabi sa akin ng Tita habang hawak-hawak ang kamay ko

"Ok lang po Tita, naiintindihan ko naman po si Steven. Tska alam ko naman po kung sino ang gusto niyang makasama sa iisang bahay, alam kong hindi po ako yun."

Sabi ko kay Tita na may kasamang pilit na ngiti

"Demi, wag mo nang isipin yan. Baka makasama pa sayo at sa baby mo yan." Sabi ni Tita. Ngumiti lang ako sakanya

"Pero nagpapasalamat ako sayo hija. Maraming salamat at nandito ka ngayon kasama ang anak ko. Kailangan ka niya ngayon. Kailangan niya ang isang taong katulad mo sa ganitong panahon sa buhay niya."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon