Chapter 30 - The Truth

42.7K 747 183
                                    

Dedicated ang chapter na to kay @DyosangAnonymous. Kasi siya ang pinaka magandang dyosa sa balat ng wattpad. Ayon sakanya. Haha! Wag na kumontra dahil mapanganib xP try niyo din basahin ang mga works niya. XD

Tama na kuda. Eto na ang Chapter 30 "The Truth" alamin kung bakit ganyan ang title! Hihi ;)

-----------------------------------------------------

-JOSH'S POV:

"Buti nalang nandito ka na. May kailangan tayong pag-usapan."

Seryosong bungad sa akin ni Ryan ng nakapasok na ako sa library. Isinarado niya ang hawak na libro at ibinaba niya sa desk niya.

"Umupo ka." Sabi niya sa akin na sinununod ko naman.

Pagkaupo ko ay napayuko lang ako. Nakatingin ako sa magkabilang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"Saan ka nang galing kahapon? Sinundan kita pero hindi na kita naabutan. Bigla ka nalang nawala." Tanong niya sa akin

Tumingin ako sakanya. Hindi ko mawari ang espresiyon ng mukha niya. Parang seryoso. Na kinakabahan. Na malungkot. Na ewan. Hindi maintindihan.

"Na-nandoon ako kila Kuya. Nakasalubong ko siya sa kalsada at isinama niya ako sakanila. Pa-pasensya na kung hi-hindi ako nakapagpaalam." Paliwanag ko.

Parang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Dun ka galing sa kila Kuya Paul mo? Bakit sinabi ni Ringo, wala ka daw doon." Tanong ulit niya.

Ako naman ang nagulat ngayon. Nakausap niya si Ringo? Hinanap ako ni Ryan? At bakit hindi nabanggit sa akin ni Ringo yun? At nag sinungaling pa siya kay Ryan.

Sunod-sunod na tanong na pumasok sa isip ko.

"Ok na. Basta sa susunod wag kang basta-basta aalis ng hindi nagpapaalam. Sana maisip mo na may mga tao na nag-aalala sayo. Hindi yung para kang teenager na bigla nalang tumatakas." Seryoso niyang sabi.

Sh!t niya lang. Para siya pa ang galit ngayon. Ganun ba siya kamanhid na hindi niya alam na kaya ako bigla nalang umalis ay dahil sakanya? Dahil sakanila ng babae niya?

Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Naiinis ako sakanya. Sobra.

"Yun na ba yung sasabihin mo? Yung pag-uusapan natin? Lalabas na ako para matulungan ko na sa mga gawain sila Manang at Britney." Sabi ko sabay tayo na sa pagkakaupo ko. Aalis na sana ako ng hawak niya ang kaliwang braso ko.

"Teka lang. May iba pa tayong pag-uusapan."

Napatingin ako sakanya.

"Kailangan nating pag-usapan yung tungkol sa amin ni Ariana." Seryoso niyang sabi

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Naramdaman ko nanaman ang sakit sa dibdib ko. Ano pa ang kailangan niyang sabihin? Na maging ama na siya? Na mag papakasal na sila? Sobra na ang sakit. Ayoko na.

Kumawala ako sa pagkaka-hawak niya. At iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"Hindi na natin kailangang pag-usapan yan. Alam ko na. Buntis si Ariana. Magpapakasal na ba kayo?" Sabay tingin ko sakanya.

Nakita kong napa-kunot ang noo niya.

"Congrats sainyo! Sige lalabas na ako." Sabay talikod ko sakanya at tinungo ang pinto palabas.

Pero bago ko pa mahawakan ang doorknob ay hinawakan ni Ryan ang kamay ko hinatak ako at hinarap ako sakanya.

"Hindi ka na pwedeng umalis. Mag-uusap tayo." Sabi niya

"Ano pa ba pag-uusapan natin? Alam ko na yan Ryan! Pwede ba. Tama na!" Sabi ko na medyo napataas na ang tono ko

"Hindi pa tapos Josh. Kailangan pa natin pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa." Sabi niya

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon