Chapter 02 - Sakit ng Nakaraan

51.8K 919 116
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Agad akong bumitaw sa pagkakayakap niya.

"A-ano ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Bakit? Masama ka bang dalawin? Tska sina Lola Pet at Ringo?" Naka-ngiti niyang sabi sa akin.

Ano ang nakain nito? Kanina lang kung paalisin ako nito sakanila tapos ngayon dadalawin niya ako?

"Boyfriend mo?" Sabay tingin niya kay Steven.

"Oo nga pala, Ryan si Steven boyfriend ko. Steven, si Ryan..."

Sandali akong nag-isip.

"Kaibigan ko."

"Kaibigan... Lang?" Naka-ngising sabi ni Ryan

Napatingin naman ako sakanya.

"Diba..."

"Bestfriend. Be-bestfriend ko siya Steven."

Pagputol ko sa sasabihin ni Ryan. Ayokong malaman pa ni Steven na may nakaraan kami ni Ryan. Baka hindi ako payagan nito kung sakaling tanggapin ko ang alok ni Ryan sa akin.

Napansin ko naman na ngumisi si Ryan. Nung sabihin kong bestfriend ko siya.

"Oo, tol BESTFRIEND niya ako. Nice to meet you."

Madiin na sabi niya sa salitang bestfriend.

Inabot niya ng kamay kay Steven. Tingingnan ko naman si Steven at nakita kong seryoso ang mukha niyang nakatingin dito.

Maya-maya ay inibot na niya ang kamay ni Ryan.

"Nice to meet you din pare." tugon nito

"Kuya, kain na tayo. Nagugutom na ako eh. May dalang pagkain si Kuya Ryan. Kanina ka pa nga namin hinihintay para makasabay ka namin kumain." Si Ringo

"Ganun ba. Meron din kaming dalang food ni Kuya Steven mo para sainyo ni Lola Pet." Sabi ko

"Akin na yan, tara na dun sa lamesa para sabay-sabay na tayong kumain." Sabay kuha ni Lola ng dala-dala ko.

"Pati po ako?" Si Ryan

"Oo naman. Namiss kaya kitang bata ka. Tara na doon."

"Baka po kasi ayaw ni Josh." Sabay tingin nito sa akin.

"Ha? Hi-hindi... Bakit naman ako aayaw?" Sabi ko naman.

"Oh tara na! Kain na tayo!" Si Ringo

Habang kumain kami ay hindi ko maiwasan isipin itong ginagawa ni Ryan. Kaninang umaga lang kung insultuhin ako, kesyo ang payat-payat ko daw na baka hindi na ako nakakain dahil naghihirap na kami. Tapos ngayon nandito at kay bait-bait. Kung ngitian pa ako kala mo maamong tupa.

"Kanina ka pa naka-tingin sa akin, hindi ka tuloy makakain."

Naka-ngising sabi ni Ryan.

Hindi ako nakapag-salita. Napatingin ako kay Steven.

"Busog kasi kami. Kumain kasi kami kanina sa labas. Nag date kasi kami nitong boyfriend ko."

Sabi ni Steven, sabay akbay sa akin.

Nakita kong nawala ang ngiti ni Ryan at dumilim ang mukha nito.

"Ganun ba? Sweet niyo namang mag-boyfriend. Alam mo Tol, ganyan din kami ng karelasyon ko noon. Madalas din kaming nag de-date. Sweet din kami noon sa isa't isa."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon