Chapter 24 - Strawberry & Nutella

50.7K 840 299
                                    

"Dito mo lang pala ako dadalin?!"

Reaksyon ni Josh nang makarating na sila ni Ryan sa destinasyong pupuntahan nila.

"Pagkatapos ng halos 6 na oras na biyahe natin. Sakit ng katawan at puwet ang inabot ko. Dito mo dadalin sa beach?"

Kumunot naman ang noo ni Ryan sa mga narinig. Nakaramdam din siya ng lungkot dahil hindi inaasahang reaksyon ni Josh.

"A-akala ko matutuwa ka. Ma-maganda naman di-" Hindi na natapos ni Ryan ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ni Josh.

"Alam mo namang hindi ako sanay lumangoy eh. Ano gagawin natin dito? Titigan ang dagat?" Iratableng sabi ni Josh

Napayuko naman si Ryan. Naalala niyang hindi nga pala sanay itong lumangoy. Matinding lungkot ang naramdaman niya dahil palpak ang plinano niya.

"Pasensya na. Nakalimutan kong hindi ka nga pala sanay lumangoy. Kung gusto mo. Umuwi nalang tayo. Dun nalang tayo sa bahay kasama nila Manang Janet."

Malungkot na sabi nito.

Maya-maya pa ay narinig niya ang paghagikgik nang tawa ni Josh, dahilan para mag-angat siya ng mukha para tingnan ito.

Napakunot nanaman siya ng noo nang makita niya itong nakasandal sa upuan nito habang nakahawak sa tiyan at patuloy sa paghalakhak.

"Ano ang tinatawa-tawa mo diyan?!" Nakunot noong tanong ni Ryan.

"Hahahaha! Pa-para ka-kasing batang na-natalo sa text sa itsura mo! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Josh

Lalo namang napakunot ang noo ni Ryan na mapagtanto niya kung bakit todo sa pagtawa si Josh.

"Tumigil ka na nga nang kakatawa diyan!" Inis na sabi ni Ryan.

"Hahahaha! Nakakatawa lang kasi nung itsura mo! Mukhang tutang nawawala hahaha!" Tumatawa paring sabi ni Josh

Lalong na buwisit naman si Ryan. Kanina batang natalo sa text. Ngayon naman parang tutang nawawala ang pag hambing ni Josh sa itsura niya.

Sumandal si Ryan sa upuan at nag cross-arm habang naka-kunot ang noo. Napansin naman ni Josh ang pagtahimik ni Ryan at nung tingnan niya ito ay halata na ang inis sa mukha nito. Dahilan para tumigil siya sa pagtawa.

"Oh, bakit tumigil ka sa pagtawa? Napagod ka na ba? Sige pa. Tawa pa!" Inis na sabi ni Ryan habang nakatingin lang sa windshield ng kotse nito.

Napatahimik naman bigla si Josh, alam niyang galit na si Ryan

"Umuwi nalang tayo." Matigas na sabi ni Ryan. Bubuksan na sana ni Ryan ang makina ng sasakyan nang pigilan siya ni Josh.

"Hoy! Eto naman oh! Binibiro ka lang eh." Sabi ni Josh habang hawak-hawak ang kanang kamay ni Ryan na nakahawak sa susian ng kotse.

"Sa haba ng biyahe natin sa tingin mo gusto ko pang makipagbiruan?" Naka-kunot noong sabi ni Ryan

"Binibiro ka lang naman eh, eto naman. Sorry na. Sorry... Sorry... Eto naman napaka pikon." Sabi ni Josh na may halong pagkikiusap.

Ngumisi lang si Ryan kay Josh at tinanggal ang nakahawak na kamay nito sa braso niya at itinulak si Josh dahilan para mapasandal ulit ito sa kinauupuan. Lumapit naman si Ryan kay Josh hanggang sa maglapit ang mukha nilang dalawa.

"Alam mong ayokong binibiro ako mula pa noon." Sabi ni Ryan.

"So-sorry na nga eh..." Nauutal na sabi ni Josh na namumula na ngayon.

"Kung lahat ng kasalanan nadadaan sa sorry. Sana wala ng pulis." Si Ryan

"Eh ano gusto mong gawin ko?!" Si Josh

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon