Chapter 15 - Kapalit ng Saya

37.4K 713 85
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POINT OF VIEW:

Isang linggo na ang nakalipas ng makapag-desisyon akong ituloy ang relasyon namin ni Steven. Naging maayos naman ang lahat. Balik kami sa normal. Masasabi kong parang mas tumibay pa ang relasyon namin dahil sa pagsubok na dumating sa amin.

Pag-uwi niya galing trabaho ay dumidiretso muna siya dito sa mansyon para makipagkita sa akin. Para akong teenager na tumatakas sa tatay ko, para makita ang nobyo ko. Kasi patago akong tumatakas kay Ryan para lumabas sa mansyon para makita si Steven.

Hinayaan ko na rin muna na tumira si Steven kasama si Demi sa condo niya hanggang hindi pa ito nakakapanganak. May dahilan naman kung bakit kailangan laging nasa tabi ni Demi si Steven, dahil sa delikado ang pagbubuntis nito, At may tiwala naman ako sakanila. Sabihin na ng iba na katangahan ang ginagawa ko, pero wala na akong pakialam. Masaya ako sa pagiging tanga ko. Masaya ako kay Steven at siya lang ang kailangan ko sa buhay ko. Hindi ko kailangan ang opinyon ng ibang tao maging ng bestfriend kong si Jessie. Galit na galit siya sa naging desisyon kong wag bitawan si Steven. Pero hindi ko nalang pinansin. Mali man ako o tama, masaya ako sa naging desisyon ko.

"Ang saya mo ata Josh ah! Siguro bati na kayo ng dyowa mo noh?" Tanong sa akin ni Britney habang nandito kami sa kusina at hinintay maluto ang nilulutong bananacue ni Manang Janet.

Ngumiti lang ako sakanya bilang tugon.

"Buti naman kung ganoon! Hindi na ulit susugod dito yung dyowa mo at magsisigaw dyan sa labas para lang maka--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bigbig niya.

"Ano ka ba! Wag kang maingay! Baka marinig ka ni Ryan, alam mo namang hindi niya alam ang naging pagpunta dito ni Steven. Pagnalaman niya yun at ang ginawa ni Steven, lagot ako doon." Pabulong ko sabi sakanya

Tinanggal niya ang kamay ko.

"Ay oo nga pala, pasensya naman! Pero sigurado naman akong hindi ako maririnig ni Sir Ryan noh! Panigurado, nakakulong nanaman sa kwarto niya yun!" Si Britney

Yun nga ang napansin ko kay Ryan nitong mga nakaraang araw. Lagi lang siyang nakakulong sa kwarto at lumalabas lang kung gusto niyang kumain o para kumuha ng beer sa ref. Minsan nga, hindi pa ito lumalabas ng buong araw at ayaw magpa-istorbo sa kwarto niya.

Minsan naman nakita ko siyang nakaupo sa may pool at nakatingin sa kawalan. Parang may malalim siyang iniisip. Parang may problema siya. Alam kong meron dahil kilala ko siya pag may niraramdam siya.

Gusto ko nga siyang lapitan noon para tanungin pero hindi ko na ginawa. Baka sigawan lang ako noon. Alam ko naman na kung may gusto siyang makausap tungkol sa iniisip niya, eh hindi ako yun. Kaya hindi ko nalang siya pinapakialaman.

"Ayan sa wakas! Luto na rin! Gutom na ako eh."

Masayang sabi ni Britney.

"Naku, lagi ka namang gutom eh! Kaya ka nagiging dambuhala diyan eh." Pangbabara naman sakanya ni Manang Janet.

"Sobra ka naman Manang! Makadambuhala ka naman po!" Naka-simangot na sabi ni Britney.

Napangiti nalang ako at kumuha ako ng plato at nilagyan ko ito ng bananacue.

"Dadalan ko lang Manang si Ryan sa kwarto niya." Sabi ko

"O sige, mabuti pa nga. Mukhang walang balak nanamang lumabas yun ng kwarto. Damihan mo na, dahil hindi naman yun kumain ng tanghalian." Sabi ni Manang

Pagkarating ko sa harap ng kwarto niya ay kumatok na ako.

"Ryan, dinalan kita ng meryenda. Nagluto kasi si Manang Janet ng banana cue."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon