-----------------------------------------------------
JOSH'S POINT OF VIEW:
Ang bilis talaga ng panahon, isang buwan na akong nagtatrabaho dito sa bahay nila Ryan. Nasanay na rin ako sa mga gawaing bahay. Sa paglilinis, paglalaba, pagpapa-plantsa, at maging sa pagluluto. Tinuturuan kasi ako ni Manang Janet kaya marunong na akong mag prito ng tama at magluto ng adobo.
Dahil sa sanay na ako sa mga gawaing bahay, at hindi na ako nagkakamali, at mabilis na akong kumilos, kaya bihira na akong sungitan ngayon ni Young Master Ryan. Nakakapanibago nga eh. Pero ang isang hindi ko inaasahan ay ang payagan niya ako na tuwing linggo, ay maging day-off ko na.
Pinapayagan na ako ni Ryan, na umalis para bisitahin sina Lola Pet at Ringo. Ewan ko nga kung ano ang nakain nun pero siyempre hindi na ako nagtanong pa, baka magbago pa ang isip eh. Bipolar pa naman yun.
Pero sakabila noon, malamig padin ang pakikitungo niya sa akin. Kakausapin niya lang ako kung may iuutos siya. Pero ayos lang din sa akin. Basta ang mahalaga, matapos ko ang kasunduan namin at makuha ko na ang bahay namin sakanya.
Linggo ngayon kaya day-off ko. Susunduin ako ni Steven para pumunta sa bahay nila para doon mag lunch kasama ang Mama niya. at mamayang hapon naman ay pupuntahin namin sila Lola para ipasyal sa mall.
Pagkabihis ko, ay lumabas na ako ng kwarto para hintayin si Steven sa pagsundo sa akin. Sakto pag-akyat ko sa 1st floor ay pagbaba naman si Ryan galing sa 2nd floor. Nagka-salubong kami at napatingin siya sa akin. Pero mas bagay ata ang word na "natulala" Parang natuklaw ng cobra na ewan.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanya.
"Wa-wala! Aalis ka na ba?" Siya
"Hihintayin ko nalang si Steven. On the way na daw siya."
Nakita kong may hawak-hawak siyang paper bag at inabot niya sa akin.
"Ibigay mo kay Ringo yan. Mga chocolates yan, paborito niya"
Sabay sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Salamat ah!"
"Wag mong kakainin yan ah! Para kay Ringo yan." Sabi niya na ikina-kunot ng noo ko.
"Ano naman ang tingin mo sa akin? Matakaw?" Sabi ko
"Pinagbibilinan lang kita. Alam ko kasing mahilig ka din diyan, naalala ko pa noon, nung bata pa lang tayo, bunging-bungi ka dahil nasira ang ngipin mo kakakain ng chocolates. Kamukha mo nga noon si popoye eh." Sabay tawa niya ng todo.
"Loko-loko ka ah! Natatandaan mo pa yun?"
"Oo naman, si Popoye talaga kamukha mo nun eh, parehas kayong bungal!" Sabay tawa ulit niya. Napapahawak na siya sa tiyan niya kakatawa. Naluluha na din siya.
Imbes na mainis ako sa pang-aasar niya, ay natuwa ako sakanya. Ngayong ko lang siya ulit nakita na tumawa ng ganito. Ang cute niya sa totoo lang, sarap picturan. Napatawa narin ako dahil nakakahawa ang halakhak niya.
Napatigil ako sa pagtawa ng mag-ring ang cellphone ko. Nagtext si Steven, nandyan na daw siya sa harap ng bahay.
"Huy tumigil ka na nga! Bakamaihi ka na kakatawa dyan! Aalis na ako. Nandyan na si Steven." Sabi ko sakanya
Pinigilan na niya ang pagtawa at pinunasan ang luha niya.
"Sige na Mine, mag-ingat ka." Bigla sabi niya
Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na tinawag niya akong "Mine" yung ang callsign namin nung mag-boyfriend pa kami.
Bigla naman naging seryoso ang mukha niya. Siguro naisip niyang nabigla siya sa pagtawag niya sa akin ng "Mine"
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)
RomanceTunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila, ay maibabalik pa ang PAG-IBIG na natabunan na ng GALIT. Maitutuloy pa kaya ang pagmamahalan na dat...