Chapter 20 - Josh at Ryan

43.8K 868 92
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POV:

Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng hangover. Matagal na kasi nung huli akong uminom ng alak.

Pero napapitlag ako, at biglang napabangon ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Shit!! Nanaman?!"

Sabi ko sarili sabay hilamos ko ng kamay ko sa mukha ko.

Naalala ko na sa pangalawang pagkakataon ay muli nanaman kaming naghalikan ni Ryan. At sa punto ngayon, ako pa ang unang humalik sakanya.

Kinapa ko ang katawan ko at nakahinga ako ng maluwang ng may damit pa ako. Ibig sabihin walang nangyari sa amin ni Ryan. Hanggang paghalik lang ang nagawa ng kagagohan ko.

"Paano nanaman ako haharap sakanya? Mas mahirap ngayon dahil ako ang humalik sakanya at hindi siya ang lasing kundi ako."

Napakagat labi nalang ako sa pag-iisip. Biglang nawala hang-over ko dahil sa naalala ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong 9:00am na. Tinanghali na ako ng gising. Busit.

Bumango na ako, naligo, nagtoothbrush, nagbihis.

Nakatingin ako sa hagdan paakyat sa 1st floor. Parang nagdadalawang isip pa ako kung lalabas na ba ako. Naiisip ko palang na makakaharap ko si Ryan, ay talaga namang nahihiya na ako at nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Umayos ka Josh! Gago ka kasi eh, nagpakalasing ka ayan tuloy nakagawa ka nanaman ng bagay na talaga namang nakakahiya. Umakting kang parang wala lang. Tama! Kunwari walang akong naalala sa nangyari kagabi. Tama. Ganun na nga!" Pagkasabi ko noon sa sarili ko ay umakyat na ako ng hagdan, suot ang aking pilit na ngiti.

Pero hindi ko inakala na sa paghakbang ko sa 1st floor ay bubungad na agad sa akin si Ryan.

Para akong naestatwa. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Parang high school lang ang dating ko na nakita ang taong crush niya sa school. Teka. Tama ba yung sabi ko? Crush talaga?

Nakatingin lang din siya sa akin na wari'y binabasa ang iniisip ko. Kailangan hindi ako mahalatang may naalala ako. Eto na simula ng acting ko. Tanga-tangahan mode on.

"Good morning Ryan!!" Masigla kong bati sakanya.

Napansin ko blanko lang ang mukha niya. Parang walang pakialam. Ganun. Tumango lang siya sa akin bilang tugon at umaakyat na patungo sa 2nd floor. Samantalang ako ay naiwang parang timang. Naka-ngiting nakatulala.

Tumungo na ako ng kusina at kumuha ng tubig sa ref tska umupo sa may mesa sa kusina.

"Parang wala siyang naaalala? Hindi ba niya naaalala ang nangyari sa amin kagabi? Imposible naman. Siguro wala lang talaga siyang pakialam." Sabi ko sa isip ko

Ewan. Pero parang may parte sa dibdib ko ang kumirot ng maisip ko na wala lang sakanya yung halik na yun.

"HOY!! JOSH!!!"

Napapitlag ako ng gulatin ako ni Britney.

"Ano ka ba Britney! Muntik ka na maihampas sayo tong basong hawak ko!" Sabi ko sakanya.

"Eh muntik lang naman eh! Hindi mo naman naituloy!"

Inirapan ko nalang siya. Wala ako sa mood makipag-biruan ngayong araw. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Britney.

"Eto naman, mainit ang ulo! Sorry na! Mukhang wala ka sa mood makipag-biruan." Sabi niya sa akin.

"Buti alam mo! Wala talaga ako sa mood!" Sabi ko naman

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon