Chapter 26 - Ang Pagdating

34.1K 662 111
                                    

-----------------------------------------------------

-RYAN'S POV:

"Josh, may problema ka ba? Kanina ka pa tahimik ah"

Pagkuha ko ng atensyon sa kanina pang nakatulalang si Josh

"Huh? Wa-wala. Pagod lang siguro ako. Tagal din nating naglakad kanina sa grocery eh."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ng pilit.

Ngumiti nalang din ako sakanya at itinuon ko nalang sa pag didrive ang atensyon ko.

Alam kong nagsisinungaling siya. Naging ganyan lang naman siya mula nang makausap niya kanina sa grocery yung Mama ni Steven. Nakita ko nalang silang magka-usap pagbalik ko nung kumuha ako ng cereals.

Gusto ko ngang malaman kung ano yung pinag-usapan nila. Pero wala naman akong karapatang magtanong sakanya. Naisip ko. May kinalaman kaya si Steven sa pinag-usapan nila? Kaya ba ganyan ang ikinikilos niya?

Maisip ko palang na apektado parin siya kay Steven. May kirot na akong nararamdaman sa dibdib ko.

Sumulyap ako ulit ako kay Josh at nakita ko siyang nakatingin sa bintana ng kotse. Napabuntong hininga nalang ako.

----------------------

Pagdating namin sa bahay ay magkatulong kami ni Josh dinala sa kusina ang mga napamili namin. Agad naming ipinatong sa mesa ang mga dala-dala namin.

"Gusto mo tubig?" Alok sa akin ni Josh. Umiling ako sakanya bilang tugon.

Nakita kong kumuha siya ng baso at kumuha ng tubig sa ref.

Pagkatapos niyang uminom ay pumunta na siya sa mesa para tanggalin sa supot ang mga napamili namin.

Napangiti ako dahil may naisip akong gawin.

Niyakap ko siya mula sa likuran niya habang abala siya sa ginagawa niya. Isunobsob ko ang ilong ko sa leeg niya.

Napaka bango talaga ni Josh. Nakaka-adik. Hindi nakakasawa.

"Inuubos mo nanaman ang bango ko."

Sabi niya. Napangiti lang ako at lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya at idiniin ko pa ang mukha ko sa leeg niya.

"Ano ba napag-usapan niyo nung Mama ni Steven? Dahil ba dun kaya ka kanina ka pang walang imik?"

Tanong ko sakanya

Imbes na sumagot ay hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa tiyan niya. Isinandal din niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinalikan ko naman ang leeg niya.

"Tungkol ba kay Steven yung napag-usapan niyo?"

Sandaling parang tumigil ang oras. Hindi siya nagsalita. Ganun din ako. Naramdaman kong bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Inalis niya yung pagkakayakap ko sakanya at umikot siya paharap sa akin.

"Hindi no." Naka-ngiti niyang sabi sa akin

"Kinamusta niya lang ako. Pero wala siyang sinabi tungkol kay Steven. Wala din naman akong balak malaman kung kamusta na siya. O kung ano ang pinagkakaabalahan niya."

Paliwanag niya sa siya sa akin

"Nagulat lang talaga ako sa pagkikita namin ni Tita madonna. Hindi ko lang inaasahan na magkikita ulit kami. Akala ko kasi kasama na siya na doon na maninirahan sa canada."

"Sigurado ka?" Tanong ko

"Oo." Sagot niya

Ngumiti ako sakanya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon