Chapter 21 - Selos dito. Selos doon...

46.5K 799 115
                                    

-----------------------------------------------------

JOSH'S POV:

"Hoy Bez! Anyare sayo?! Kanina ka pa tulaley diyan... May problema ka ba? May masakit ba sayo??"

Halos mapapitlag naman ako ng bigla akong kausapin ni Jessie.

"Huh?! Wa-wala... May naisip lang ako." Sabi ko naman

"Eh ano ba yang iniisip mo? Kanina ka pa ganyan. Tingnan mo nga yang pagkain mo, hindi mo pa nagagalaw. Kami paubos na." Puna ulit niya.

"Oo nga Apo, baka naman masama ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Lola Pet.

Nandito kami ngayon sa isang mall. Dahil linggo ngayon. Si Jessie ang kasama namin ngayon nila Lola Pet at Ringo. Dapat si Ryan ang kasama namin, kaso may trangkaso siya ngayon. Yun nga ang kanina ko pang iiniisip. Kung ok na ba siya.

"Ok lang po ako Lola. Wag niyo ng pansinin yang si Jessie."

Sagot ko naman.

"Alam ko na kung bakit ka tulala. Alam ko na kung ano ang iniisip mo Kuya!"

Napatingin naman ako kay Ringo.

"Diba may sakit ngayon si Kuya Ryan? Siguro siya ang iniisip mo ano? Kaya hindi ka makakain kasi nag-aalala ka no? Tama ako no Kuya?" Naka-ngising sabi ni Ringo

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Lechugas, paano niya nalaman yun? Nabasa niya nasa isip ko?

"Hmmm... Totoo ba yun Bez?? Si Ryan nga ba ang iniisip mo?" Naka-ngising tanong sa akin ni Jessie.

"Ha?! Hi-hindi no! Ba-bakit ko naman iisipin yun? Eh ang laki na noon, tska nandoon naman si Manang Janet para sakanya. Iba ang iniisip ko." Palusot ko naman

"Eh bakit namumula ka?" Si Jessie

"Eh ma-mainit eh!" Sabi ko

"Nasa mall tayo mainit?" Si Jessie ulit

"Eh mahina ang aircon! Sige na kumain ka na bez! Kakain na ako na rin ko. Bi-bilisan natin kasi marami pa akong gagawin sa bahay." Sabay tingin ko sa pagkain

"Oo na! Ringo, Lola, bilisan nating kamain at marami pa daw importanteng aasikasuhin si Josh!"

Tiningnan ko si Jessie at naka-ngisi to sa akin. Inirapan ko nalang at muli kong itinuon ang atensyon ko sa kinakain ko.

Pagkatapos namin mag lunch, ay sandali kaming nagtungo sa timezone dahil kay Ringo. Tuwing linggo nalang hindi nagsawa tong batang to dito. Hindi parin ako mapalagay dahil nga kay Ryan. Kilala ko kasi ang taong yun pag nagkakasakit. Parang bata. Matigas ang ulo at ayaw kumain at uminom ng gamot. At higit sa lahat. Malambing.

Pagkatapos namin mag tmimezone ay nagpasya na kaming umuwi. Gusto pa nga ni Ringo na mag-ikot sa mall kaso hindi na ako pumayag. Next time nalang kako.

Pagkahatid namin kila Lola at Ringo. Ako naman ang hinatid ni Jessie. Sabi ko nga mag taxi nalang ako kasi mapapalayo pa siya, kaso ayaw pumayag. Ihahatid na daw niya ako.

"Ikaw nga Bez, umamin ka sa akin!" Seryosong tanong sa akin ni Jessie habang patuloy siyang nag d-drive. Dito ako naka-upo sa passenger seat.

"Umamin ng ano?!" Naguguluhan kong tanong

"Ano ba talaga kayo ni Ryan? May nagaganap bang something sa pagitan niyo?" Tanong niya sa akin

Kung may kinakain lang ako nabilaukan na ako dahil sa tanong nitong babaeng to.

"A-anong something? Wa-wala no!" Pag tanggi ko naman. Bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Ryan nung nakaraang linggo. At sa pag-alala kong yun, naramdaman kong nag-init ang mukha ko

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon