Chapter 29 - Pagbabago 2.0

31.9K 685 122
                                    

Hi! Ako'y nagbabalik! :P pasensya na po kung isang buwan akong hindi nakapag-update. Marami lang pinagdaanan at mga pagbabago sa aking buhay haha... Hindi totoo yun :)

Salamat dun sa hindi nagsasawang sabihing magUD ako. At lalo na dun sa mga nag msg na handang mag-intay kung kailan ko kayang mag Update. Tnx tnx :)

Dedicated ang chap na to kay @gedionclark sensya na natagalan to. Pero ayan na ang pangako ko. Salamat din sa pag suporta dito :)

O siyaaa eto na ang Chapter 29. Enjoy! ;)

-----------------------------------------------------

-DEMI'S POV:

"Good moning! Tama ako gising ka na. Eto mag breakfast ka na." Naka-ngiting sabi ni Steven pagkapasok niya ng kwarto ko.

"Good morning din."

Ngumiti ako sakanya bilang tugon at umayos na ako ng upo sa kama at inilagay na niya ang tray na naglalaman ng pagkain sa harapan ko.

Kinuha niya ang silya sa study table ko at niligay sa gilid ng kama ko at doon siya umupo.

Napatingin lang ako sakanya at ganun din siya.

"Kumain ka na. Inumin mo rin yang gatas. Ininit ko pa yan dahil alam kong yun ang gusto mo sa gatas." Naka-ngiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti lang din ako at tinuon ko na ang tingin ko sa pagkain sa harap ko.

Mula ng mangyari ang insidenteng yun. Ang insendeteng naglagay sa amin ng Baby ko sa bingit ng kamatayan ay nagbago na siya. Nagbago na si Steven.

Naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Naging maalaga siya sa akin, sa amin ni Baby. Masaya ako sa pinakikita niya. Pero hindi ko rin maiwasang malungkot dahil alam kong napipilitan lang siya. Na hindi bukal sa puso niya ang ginagawa sa akin.

Pero sino pa ba ako para mag reklamo? Dapat maging masaya nalang ako kung ano man ang nangyayari ngayon. Dapat makuntento nalang ako na ganito. Na wag ng umasang mamahalin pa niya ako.

Dahil alam kong kay Josh lang niya pwedeng maibigay yun.

"Oh bakit natulala ka na diyan?" Napatingin ako sakanya.

"Gusto mo ba subuan pa kita?" Naka-ngisi niyang sabi.

"Loko." Sabi ko at muli ng bumalik sa pagkain ko.

"Ikaw Steven kumain ka na ba? Naino-"

"Nagawa ko na ang dapat kong gawin Demi. Kaya wag mo na akong intindihin. Kumain ka nalang ng kumain." Sabi niya

Tumango ako at ngumiti.

----------------------------

Pagkatapos kong mag agahan at tumungo ako sa balcony ng kwarto. Paborito kong puntahan yun pag umaga. Kitang-kita mo kasi ang magagandang bahay sa paligid at mga taong nagdadaan sa kalsada. Tska makakabuti sa amin ni Baby ang sikat ng araw sa umaga.

"Oh umupo ka muna. Baka nangangawit ka na."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Steven na may dalang silya.

"Hindi ok lang ako. Mas gusto ko ang nakatayo." Sabi ko

Ngumiti at tumango siya at lumapit sa akin at tumingin din siya sa paligid ng village.

Binasag niya ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa nang magsalita siya.

"Alam ko nagtataka ka sa mga kinikilos ko ngayon." Napatingin ako sakanya nung magsalita siya. Pero nanatili siyang nakatingin padiretso.

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon