Chapter 37

21.7K 538 72
                                    

Dedicated ang Chapter na to kay @PauMaeCandelaria Salamat sa pag suporta sa mga stories ko :)

Eto na Chapter 37! Hingang malalim! HAAAAAY ;)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang sandali pa ay bumitaw si Josh sa yakap na yun ni Steven.

"Sabihin mo na yung dapat mong sabihin. Nagmamadali ako." Sabay sabi ni Josh kay Steven.

Bahagyang ngumiti si Steven.

"Sige. Umupo ka na."

Tutulungan sana ni Steven si Josh para ilapit ang upuan niya sa mesa. Pero pinigilan siya nito.

"Wag na. Kaya ko na."

Kaya bumalik na sa upuan niya si Steven sa harapan ni Josh.

"Uhm.. Umorder na pala ako kanina ng food para sa atin. Papakuha ko nalang. Waite-

"Hindi ako gutom. Pwede ba sabihin mo nalang yung sasabihin mo sa akin?" Pagputol ni Josh sa sasabihin ni Steven

Napatingin sakanya si Steven. Halata sa mukha ng binata ang sakit na nararamdaman dahil sa pakikitungo sakanya ni Josh. Ngunit hindi niya ito masisisi. Dahil alam niyang may malaki siyang kasalanan dito. Iniwanan at sinaktan niya ito.

Tila napansin naman ni Josh ang lungkot na iyon ni Steven.

"Ku-kumain na kasi ako kanina sa bahay kaya busog pa ako."

Pagdadahilan ni Josh. Ngumiti at tumango naman si Steven.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa dalawa bago nag salita si Steven.

"Sorry Josh, sa nagawa ko sayo noon. Na iniwan kita. Na binitawan nalang kita basta-basta."

Napayuko si Josh.

"Narinig ko na yan. Nasabi mo na sa akin yan." Sabi nito

"Alam ko. At alam ko din na hindi mo basta-basta matatanggap ang pag hingi ko ng tawad sayo. Alam kong hindi sapat ang sorry para makalimutan mo ang nagawa ko sayo."

Seryosong sabi ni Steven. Napatingin naman sakanya si Josh.

Napapikit naman si Steven at huminga ng malalim. Na tila ba humuhugot ng lakas para magawa na niyang maipagtapat kay Josh ang lahat.

Sa pagdilat ni Steven ay tinitigan niya ang mukha ni Josh.

"Nagsinungaling ako sayo noon. Nang sabihin ko sayong gusto kong magkaroon ng pamilya kasama si Demi kaya kita iniwan. Nagsinungaling ako sayo nang sabihin ko na ang pagbuo ng pamilya ang ipinunta ko sa canada."

Napakunot naman ang noo ni Josh dahil sa pagkalito sa mga sinasabi sakanya ni Steven.

"A-anong i-ibig mong sabihin?" Tanong ni Josh

"Umalis ako dahil nagka-sakit ako. Nagkaroon ako ng malubhang sakit kaya ako lumayo sayo."

Nanlaki naman ang mata ni Josh sa pagkabigla dahil sa natuklasan.

"A-akala ko pang karaniwang lang sakit ng ulo lang ang nararamdaman ko. Baka kako dala lang ng stress dahil sa trabaho. Pero nang magpa-general ako dahil kailangan para sa opisina. Dun ko nalaman na may brain aneurysm ako."

Napalunok naman si Josh sa narinig. Iniwas niya ang tingin kay Steven. Naramdaman niyang sumikip ang dibdib niya dahil sa mga natuklasan.

"Nalaman ko din na malala na yung brain aneurysm ko. Na tanging operasyon nalang ang magagawa para gumaling ako. Pero napaka delikado ng operasyon na yun. Pwede akong gumaling, pwede ma-coma at pwede din akong mamatay."

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon