Chapter 22 - Phone call

44.8K 724 96
                                    

-----------------------------------------------------

DEMI'S POV:

Malapit na kaming mag isang buwan dito sa canada pero habang tumatagal kami dito. Lalo kong napapansin kay Steven ang matinding kalungkutan. Mula ng bumalik na sa pilipinas si Tita Madonna, mas lumala pa siya.

Lagi nalang siyang nakakulong sa kwarto, laging umiinom. At masakit sa akin na nakikita ko siyang ganyan at wala akong magawa dahil hindi naman ako ang kailangan niya. Dahil ang tanging tao lang na makakapag-pasaya sakanya ay walang iba kundi si Josh.

Naiisip ko. Eto siguro ang parusa sa nagawa kong kasalanan. Ang kasalanan kong hinayaan kong may mangyari sa amin ni Steven. Kung alam ko lang nahahantong sa ganito ang lahat. Sana pinilit kong walang mangyari sa amin noon.

"Steven... Steven..." pag gising ko sakanya. Nandito siya sa kusina. Nakayupyop at tulog sa mesa. Katatapos ko lang ligpitin ang mga bote ng alak na pinag-inuman niya.

Kahit mahirap para sa akin at sa kalagayan ko. Tinulungan ko siyang maglakad patungo sa kwarto niya. Naka-sabit ang kanang braso niya sa leeg ko habang hawak-hawak ko ang katawan niya at sabay kaming naglalakad patungo sa kwarto niya.

Pagkapasok namin doon ay agad ko siyang ihiniga sa kama. Pagkababa ko sakanya ay naramdaman kong medyo sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako dito. Pero agad din naman nawala ang sakit na iyon.

Parang may sariling buhay ang katawan ko at humiga ako sa kama ni Steven habang naka-unan ako sa dibdib niya. Pumikit ako at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Josh..."

Napadilat ako nang magsalita si Steven.

"Josh, i miss you so much... I love you..."

Pagkasabi niya noon ay naramdaman ko na niyakap niya ako.

Hindi ko mapigilan mapaluha sa dalawang dahilan.

Una. Eto unang pagkakataon na niyakap ako ni Steven ng ganito kahigpit. Napakasarap sa pakiramdam na maramdaman ang init ng katawan niya sa katawan ko.

Pangalawa. Dahil alam kong hindi ako ang gusto niyang yakapin. Alam kong hindi ako ang nasa puso at isip niya nang yakapin niya ako ngayon.

Pumikit nalang ako at dinama ko ang maiinit na yakap ni Steven. "Sana balang araw ako na ang hahanapin mo. Na ako ang kakailanganin mo. Na ako na ang mahal mo."

Tahimik kong dasal.

-----------------------------------------------------

-----------------------------------------------------

JOSH'S POV:

Nandito kami ngayon ni Manang Janet sa palengke. Sumama talaga ako sakanya dahil gusto kong matutong mamalengke. Eto ang unang beses kong pumunta sa wet market. Pag sa amin naman kasi, si Lola Pet ang namamalengke tska kadalasan sa grocery lang kami nagpupunta.

Siksikan, Maingay. Yan ang naranasan ko. Pero masaya din mamalengke. Talagang sariwang-sariwa ang mga mabibili mo dito at nakakatuwa pag tumatawad si Manang sa mga nagtitinda. Kasi nakukuha niya ang mga binibili na minsan ay kalahati ng tunay na presyo. O kaya naman dadagdagan ang binili namin. Sabi ni Manang kasi suki naman daw siya ng binibilan niya dito kaya ganoon.

Isa pang dahilan kaya ako sumama ako dito. Dahil gusto ko ako ang personal na mamimili ng mga sahog sa lulutuin kong Menudo at Lumpiang shanghai para kay Ryan.

Naisipan kong ipagluto siya. Hindi naman niya birthday o kung ano man. Wala lang. Gusto ko lang siyang ipagluto ng masarap na pagkain. Wish ko lang, masarap ang kalabasan

Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon