-----------------------------------------------------
JOSH'S POINT OF VIEW:
"Bakit ka nga pala biglang napunta?" Tanong ko kay Jessie habang ibinababa ang iced tea at dala niyang cake sa mesa dito sa garden ng mansyon.
"Hmmm... Matagal na kasi akong hindi nakaka-kita ng taong tanga pagdating sa pag-ibig eh." Sagot niya sabay inom ng iced tea. Tiningan ko lang siya ng masama dahil sa sinabi niya.
"To naman! Joke lang bhez! Namiss lang talaga kita!" Tumayo siya at lumapit sa akin at pumunta sa likuran ko at inilingkis sa leeg ko ng dalawang kamay niya sabay halik sa pisngi ko.
"Oo na! Sige na umupo ka na!" Sabay alis ko ng kamay niya na nakalingkis sa akin. "Kung hindi lang kita bestfriend, iisipin ko na baka may gusto ko sa akin eh." Biro ko sakanya.
"Tse! Mandiri ka naman bhez! Madami ka pa ngang naging boyfriend kesa sa akin eh! Kaya malabo pa sa pasig river na maging straight ka!" Sabi niya habang umuupo sa silyang nakaharap sa akin. Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Musta na nga pala kayo nung lalaking yun?" Tanong niya
"May pangalan siya Bhez!" Sabi ko.
Napaikot-mata siya. "O siya, kamusta na kayo ni STEVEN!" sabi niya na may pag-diin sa pangalan nito. Napaling nalang ako. Simula ng malaman ni Jessie ang nagawa ni Steven, nainis na siya dito. Isa si Jessie, sa kontra sa relasyon namin.
"Ok naman kami. Parang katulad lang nung dati. Normal lang."
Sagot ko.
"Talaga? Parang katulad lang nung dati?" Parang ayaw niyang maniwalang tanong.
"Oo nga! Kung may nagbago man, mas naging matibay pa ang relasyon namin ngayon." Sabi ko
"Ok sabi mo eh.. Ano nga pala sabi ng Kuya tungkol sa sitwasyon niyo ni Steven? Nabanggit mo sa akin nung last time na nagkausap tayo sa phone na pinuntahan ka niya dito. Kwento mo naman ang bawat detalye! Dali!"
Chismosa talaga tong bhez ko na to. Napabuntong hininga ako bago magsalita.
"Eh ano pa ba sasabihin nun? Di katulad ng sinabi mo sa akin ng malaman mo ang sitwasyon namin ni Steven, na baliw na daw ako na hindi ko binitawan si Steven." Sabi ko habang nakatingin at hinihiwa-hiwa ko ang cake na nasa plato ko.
"Pero meron siyang mga sinabing hindi mo nasabi sa akin. Yun ay na makakasira ako ng isang pamilya. Na inaagawan ko ng ama ang isang walang muwang na bata. Na bakla na nga daw ako, ganito pa ang ginagawa ko." Pagpapatuloy ko.
"Pero tinanong ko sakanya. Na porket ba bakla ako, ako na dapat ang magparaya? Na kailangan isipin ko muna ang ikabubuti ng iba kesa sa sarili ko? Na hindi na ba ako pwedeng maging masaya?"
Uminom ako ng iced tea.
"Pero wala siyang naisagot sa akin. Ang tanging sinabi niya, bahala na daw ako sa buhay ko. Wala na daw akong naidulot sa pamilya namin kundi puro kahihiyan. Sabay walk-out niya."
Naramdaman kong hinawakan ni Jessie ang kaliwang kamay kong nakapatong sa mesa. Napatingin ako sakanya at nakita kong nangingilid ang luha niya.
"Pero wala na sa akin yun mga sinabi ni Kuya, mula naman ng malaman niyang Gay ako, lagi na akong nakakarinig ng mga masasakit na salita sakanya. Kaya kumabaga, sanay na ako." Naka-ngiti kong sabi.
"Basta ako Bhez, nandito lang ako para sayo. Kahit ano pa ang magawa mo, kahit makapatay ka pa ng tao, nandito lang ako sa tabi mo." Naka-ngiti niyang sabi sa akin
Napangiti naman ako sa sinabi niya "Thank you bhez! Salamat sa pagiging bestfriend at kapatid sa akin. O siya, tama na nga drama. Ikaw pa mas naunang umiyak sa akin eh."
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)
RomanceTunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila, ay maibabalik pa ang PAG-IBIG na natabunan na ng GALIT. Maitutuloy pa kaya ang pagmamahalan na dat...