Her Protector

526 10 0
                                    


"Maine?"

Papunta ko sa Dressing Room nila Julie para bigyan sya ng miryenda ng makita kong lumabas si Maine galing sa mismong Room nila Julie. Ang alam ko hindi sila magkasama sa isang Room kaya nagtaka ako.

"Ah... Hi! Maine Mendoza." Pakilala nya sakin.

"Jhake Vargas. Ano nga palang ..... Julie ?"
Tatanungin ko na sana sya kung anong ginagawa nya sa loob ng Dressing Room nila Julie ng may marinig ako na humihikbi. Si Julie yun, alam kong sya yun. Kaya nagmadali na kong pumasok sa loob at nakita ko sya na nakaupo habang nakasubsob ang mukha nya sa tuhod nya.

"Baby? Anong nangyari? Anong ginawa nya sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Jhake."

Tumingin sya sakin at nakita kong namamaga ang magaganda nyang mata.
Yumakap naman sya agad sa akin at sinubsob ang ulo sa balikat ko. Doon sya tuloy-tuloy na umiyak.

"Shhhh. Andito na ko. Tahan na pls. Alam mong ayoko na nakikitang umiiyak ka, ayokong nasasaktan ka. Dahil mas nasasaktan ako. Ano bang ginawa nya? Nakita kong galing sya dito."

Tumigil na sya sa pag-iyak, pero nakayakap pa rin kami sa isa't isa. Hinayaan ko nalang sya dahil ayaw rin nyang nakikita ko na umiiyak sya, ayaw nyang ipakita sakin na mahina sya.

"NagSorry sya sakin." sagot nya.

"And?"

"Wala naman syang kasalanan sakin ii. Katulad ko, pinasasaya lang din nya yung mga fans nya. May mga bagay lang talaga sila na hindi maintindihan. Hindi dapat ako umiiyak ii, di ko lang napigilan nung niyakap na nya ko at humingi ng tawad sakin. Sabi mo ako yung nagbibigay ng lakas mo, tapos ngayon nakikita mo kung gaano ako kahina. Sorry."
Kumalas na sya sa yakap namin at hinila ako para maupo. Nakaharap kami sa isa't isa.

"Ayos lang na ipakita mo sakin minsan na mahina ka. Di ba sabi mo nga, sakin ka naman kumukuha ng emosyon, ng hugot kapag sa taping? Ngayon gusto ko din na sakin ka kumuha ng lakas. Gusto kitang ipagtanggol sa mga nangbabash sayo. Sa mga taong kung ano-anong sinasabi tungkol sayo na wala namang katotohanan. Kaya lang baka pag ginawa ko yun, mas lalo ka lang nila hindi tigilan. Dahil kahit ano naman gawin natin hahanapan at hahanapan pa rin nila ng paraan para lang patuloy ka nilang ibash. Wala naman tama sa kanila ii, hindi sila magpapatalo, sila lang ang palaging tama sa mundo nila."

"Ayokong madamay ka pa sa problema kong to, tama ng ako nalang wag na ikaw."

"Alam mong problema mo, problema ko na rin. Boyfriend mo ko Julie, masakit para sakin na nakikita kang nasasaktan ng ganyan. Gusto ko palagi kitang napapasaya."

"Just always stay beside me. Yun lang, alam mong masaya na ko dun."

"Poprotektahan kita Julie. Hindi ko hahayaan na saktan ka pa ulit nila Physically. But promise me one thing."

"Ano naman yun?"

"You will let me. Hahayaan mo ko na alagaan ka at bantayan ka. I will be your boyfriend and bodyguard at the same time." Natawa naman sya sa sinabi ko. Atleast ngayon napatawa ko din sya, kahit hindi ko alam ang dahilan.

"Ikaw talaga. Kaya tuloy yung adiks parang tingin talaga nila sayo one of my bodyguards. Lagi silang nagbibilin sayo na bantayan mo ko pag alam nilang ikaw ang kasama ko."

"Ayos lang yun. Tsaka gagawin ko naman talaga yun kahit di nila sabihin."

"Sweet talaga ng boyfriend ko. Kiss me nga."
Hahalikan ko na sana sya ng biglang bumukas ang pinto. Si Ms. Ai. Wrong-timing naman.

"Sabi na nga ba andito ka. Linggo-linggo mo na talagang dinadalaw yang pamangkin ko Pogi."

"Ms. Ai naman. Nilaglag mo na nga po ko last week ii."

"Joke lang pogi. Ito pala flowers may nagpapabigay sayo."

"Kay Jhake po Ate Ai ? Kanino daw po galing? Bakit sya binibigyan ng flowers?"

"Hindi ko alam ii. Basta maganda sya. May crush ata sayo Pogi. Sige labas na muna ko baka nakakaistorbo na ko sa inyo."

"Thank You po Ms. Ai."

Flowers? Para sakin?
Pagtingin ko kay Julie, masama ang tingin nya sakin.

"May suitor ka pala di mo manlang ako sinabihan."

"Baby..."

"Wag mo nga ko maBaby di na ko sanggol. So kanino galing yan? Sa babae mo? Yan na ba uso ngayon? Babae na ang nagbibigay ng flowers sa lalaki?"

Tumayo na sya at kinuha yung foods na dala ko kanina. Di manlang nang-alok.
Maya-maya may nagtext sakin si Ate Lani.

Ate Laarni:
Andyan na yung pinabili mo. Si Ms. Ai na ang nagdala. Sabi nya pagtitripan ka daw muna nya. Itext ko nalang daw sayo.

Si Ms. Ai talaga. Nagtampo pa tuloy sakin tong maganda kong Girlfriend.

Kinuha ko yung flowers at tinignan ko yung card. Para sa kanya nga to. Nakalimutan ko kasi bumili kanina dahil nagmadali kami na pumunta dito sa GMA. Lumapit na ko kay Julie. At inabot sa kanya yung flowers.

"Oh ano yan? Galing sa babae mo tapos ibibigay mo sakin?"

"Para to sa babae ko galing sa gwapong-gwapo nyang boyfriend. Sige na. Para sayo naman talaga to ii. Tignan mo pa yung card."

Kinuha nya yung card at napangiti. Ang dali talaga pakiligin ng babaeng to.

To my one and only beautiful girlfriend Julie Anne San Jose. I Love You to the moon and back.

- From your handsome boyfriend.

"Para san to? Sabi ni Ate Ai..."

"Pinabili ko yan sa driver ko, nakalimutan ko kasi bumili kanina. Nagtext sakin si Ate Lan. si Ms. Ai daw pala ang nagdala para pagtripan ako."

"Lakas talaga ng trip nun satin. Thank You for this Mahal. Kain na tayo."

"Kanina pa nga ko nagugutom di mo naman ako inalok."

"Sorry na. Akala ko kasi may suitor ka nanaman na bago. Gwapo-gwapo kasi ng boyfriend ko dami tuloy nagkakagusto."

"Maganda naman ang girlfriend ko kaya patas lang tayo. Tsaka sayo lang naman ako may gusto."

"Tama na nga. Kain ka nalang."

"Kinikilig yan. Pero wait yung Kiss ko pala. Akala mo nakalimutan ko na?"

And I kissed her on the lips. Di na ko papayag na may umistorbo pa samin. Namiss ko ang labi ng babaeng to. Humiwalay na kami ng pareho na kaming nawalan ng hangin.

"Loko ka. Pag may nakakita satin. Pero Baby, Thank You dahil hindi mo ko iniwan, kapag kailangan kita palagi ka nalang dumarating para pasayahin ako. Your my protector, my guardian angel. I Love so much Jhake."

"I Love You too my Julie. And hindi ako magsasawang pasayahin ka. To forever?"

"To Forever."

And We kissed again and again.

The End...

------

[ More sabaw na update. Sorry again ]

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon