My Birthday Boy

265 5 5
                                    


"Ate, hindi na ba masama pakiramdam mo? Magtataping ka for Pepito? O gusto mo tawagan ko nalang si Kuya, para mapakiusapan sila direk na hindi ka makakapasok?"

Bungad sakin ng kapatid ko na si Joanna nang magkasabay kami bumaba sa hagdan.

"Okay na ko. Don't worry."

Tinignan nya ko ng may halong pang-aasar.

"Wussshu. Okay ka na kasi hindi mo matiis na hindi makita si kuya ano?"

Inirapan ko sya at mas lalo lang naman syang ngumisi.

"Tigilan mo nga ako. At ikaw, para-paraan mo, gusto mo lang makausap boyfriend ko kung ano-ano pa idadahilan mo."

Natawa sya sa sinabi ko. Tumigil kami sa paglalakad. Humarap sya sakin.

"Ate, kahit na alam kong mas bagay kami ni Kuya, hindi ko naman sya aagawin sayo. Ate pa rin kita, and I respect you."

Binatukan ko sya dahilan para simangutan nya ko.

"Hoy Joanna, height lang ang bagay sa inyo, pero kung chemistry, biology o physics pa man yan ang pag-uusapan kami ang bagay."

"Okay. You win. Pero if I know babakuran mo lang si kuya, kaya gustong-gusto mo ng may taping ka sa pepito ih."

Babatukan ko sana sya ulit ng mabilis na syang nagtatakbo. Pumunta sya sa sala, lumapit sya kay papa na ngayon ay nanunuod ng tv.

"Ma, pa, si joanna oh."

Sumbong ko kila papa. Tinawanan lang nila ko kaya hindi ko mapigilan ang mapasimangot.

"Ayos lang yun, ate. Kahit na nagseselos ako, mas gusto ko pa rin na ikaw ang bumabakod kay kuya instead na ibang girl."

"Joannnnaaa!"

Mas lalo akong napasimangot. Sinimulan ko ulit syang habulin. At wala naman ginawa sila Papa kundi tawanan lang kami.

"Enough na mga anak. Julie, tara na. Baka malate ka pa sa taping mo. Masisi mo pa ko pag may ibang bumakod kay pogi."

"Papaaaa!"

Angal ko. Sumunod na ko kay papa papunta sa kotse ng marinig ko pa ang sigaw ni joanna.

"Love you, ate. Ikiss mo nalang ako kay kuya."

Nailing nalang ako. Nakita ko naman ang pagngiti ni papa. Ang hilig talaga nilang pagtulungan akong asarin.

- - - -

"Hi Julie. Aga mo ah."

Si ate erich. Nginitian ko sya tsaka ako nakipagbeso sa kanya.

"Kailangan po. Para makabawi."
Sagot ko sa kanya.

"Makabawi? Eh simula ata first day of july nagcecelebrate na kayo ng boyfriend mo ah."

Nginitian ko nalang ulit sya.

Nandito na ko sa set ng Pepito Manaloto. Nandito na rin ang ibang staff, pero ang boyfriend ko wala pa.

Tamang-tama para magawa ko yung plano ko.

Kinausap ko ang mga staff, sumang-ayon naman sila tungkol sa surprise na gusto kong gawin para sa pinakamamahal kong Birthday Boy.

Nagpaluto ako ng pagkain para kahit papano may pagsaluhan kami. May mga birthday cake din na pinagawa para sa kanya.

"Nikki, nandyan na ang chito mo."

Narinig kong sigaw mula sa labas. Nagmadali akong puntahan sya para salubungin sya.

Nang makalabas ako ay nakita ko agad na binabati sya ng ibang staff. Napatingin sya sa direksyon ko at automatic naman na napangiti sya ng magtama ang mga paningin namin.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon