"That's final!""Pero, kuya jay?"
Napahilot sa noo si Kuya Jay matapos ako umangal sa sinasabi nya. Tinignan nya ko ng masama kaya wala na rin akong nagawa kundi tumahimik nalang.
"No buts, Jhake Vargas. Yan ang utos ng management at wala na tayong magagawa kundi sundin ang gusto nila, or else goodbye to your career."
Matapos nyang magsalita ay umalis na sya.
His right. Pag utos na ng mga boss ay wala na kaming magagawa kundi sumunod nalang.Napasabunot ako sa buhok ko dahil alam kong hindi maganda ang mangyayari oras na ilabas sa public ang tungkol sa napag-usapan namin ni Kuya Jay ang handler ko.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong magring, agad ko naman sinagot ang tawag.
"Hello!"
"Are you done talking to Kuya Jay? Punta ka dito sa bahay."
Ayaw ko pa sana na magkita kami ngayon dahil ayoko pang ipaalam ang napag-usapan namin ni Kuya Jay. Pero mas ok na rin siguro na ipaalam ko agad sa kanya kaysa malaman pa nya sa kung ano man pakulo ang gagawin ni Kuya Jay.
"Mahal? Andyan ka pa ba?"
"Ah .. Osige mahal dyan na ko diretso sa bahay nyo. Actually, kakatapos lang namin mag-usap ni Kuya Jay."
"Anong napag-usapan nyo?"
"I'll tell you later. See you!"
"See you, drive safety. I Love You!"
Matapos namin mag-usap ng girlfriend ko ay nagtuon nalang ulit ako sa pagdadrive.
Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang utos ng management. Alam kong paulit-ulit na kaming nagkakasakitan ng girlfriend ko dahil sa desisyon ng ibang tao. At alam kong hindi kami magiging masaya kung patuloy na kokontrolin ng trabaho namin ang mismong buhay namin.
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na nandito na pala ko sa tapat ng bahay nila.
Bumaba na ko ng sasakyan. Agad naman bumukas ang gate nila at bumungad sakin ang babaeng mahal ko na napaka-ganda ng ngiti. Sinalubong nya ko ng yakap kaya medyo nawala ang bigat ng pakiramdam ko.Sabay kaming pumasok sa loob pero dumaretso kami sa garden.
Naupo kami, hinilig nya ang ulo nya sa balikat ko."Tired?"
"Hindi naman. Namiss lang kita."
Napangiti ako sa tinuran nya. Inakbayan ko sya kaya ngayon ay sa dibdib ko na nakapatong ang ulo nya.
"San sila Joana? Bakit parang ang tahimik sa loob?"
"Namasyal sila nila Papa. Hindi na ko sumama, alam ko kasi na wala kang trabaho tapos ganun din ako, kaya nagpaiwan nalang ako dito para papuntahin ka atleast nagkaron tayo ng time para sa isa't isa."
"Ang busy mo na kasi."
Napangiti sya tsaka ako hinampas sa dibdib.
"We're both busy. Kaya thankful talaga ko sa Pepito, kasi pag may scene ako nagkakasama tayo."
"Yah. You're right."
Natahimik kami at tanging paghinga lang namin ang naririnig ko.
She's right. Masyado na kaming naging busy sa mga nagdaang araw. Minsan nga isang simpleng good morning at good night nalang ang nagagawa namin sa pagpapalitan ng text message sa isang araw. Gusto ko man isipin na mas mabuti na rin na hindi kami madalas magkita para atleast hindi kami magsawa sa isa't isa, ngunit iba ang sitwasyon. Sa hindi namin pagkikita ay may mga taong mas napapalapit sa kanya. At ayokong maging dahilan yun ng pagkawala nya sakin.