"Flowers"

376 9 6
                                    


"Choooolie Anne kanino kasi galing yan?"

"Chooolie parang di ka naman friends nyan, walang secrets-secrets please."

Kanina pa ko kinukulit ng dalawang to. Si Val and Barbara. Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila.

Pagbalik ko kasi ng dressing after ng Campus Cupid ay may inabot saking flowers.
Binuksan ko yung sobre pero walang nakalagay kung kanino galing. Simple note lang, at nakalagay dun:

"I miss you. See you later."

So wala akong idea kung kanino galing yun.

"Ma, kanino po galing?"

"Hindi ko rin alam nak, pinabigay lang sa staff. Wala bang nakalagay?"

"Wala po ma."

Kanino naman kaya galing to. Nilagay ko nalang sya sa vase at pinatong sa drawer ko.
Zero idea talaga kung kanino galing. Imposible naman na galing sa boyfriend ko yun kasi sigurado naman itetxt ako nun kung natanggap ko na, or lalagyan nya ng name nya sa letter. Pero wala.
Hindi ko rin sya pwedeng tanungin dahil baka magalit pa yun sakin kasi may nagpapadala ng flowers sakin bukod sa kanya.
Hinayaan ko nalang muna yun dahil may trabaho pa ko.

Before closing ay nakatanggap ako ng text galing sa boyfriend ko.

Honey:
Will wait for you. I'm here at the parking. I Love You :*

Napangiti ako sa text nya. Pero bakit nandito yun, alam naman nyang may Album Launch ako after SPS.
Pero ayos na rin yun atleast magkikita na ulit kami, namimiss ko na rin naman sya.

After SPS nagpaalam na ko kina mama para puntahan sya.

"Ma, nandyan po sya."

"Namimiss ka na talaga nyang boyfriend mo. Sige na anak kami na bahala sa gamit mo. Yung flowers mo?"

"Padala nalang din po baka makita nya pa."

Nagmadali na kong puntahan sya. Nang makita ko ang sasakyan nya ay agad kong kinatok ang bintana nya.

Binuksan nya ang pinto ng kotse. Agad naman syang bumaba at niyakap ako.

"I miss you."

"I miss you too hon."

Hinalikan ko sya sa pisngi. Inakay nya ko sa passengers seat at pinaupo dun. Sumakay naman sya sa drivers seat.

"Hon may Album Launch pa ko mamaya sa SM Fairview di mo pa po ko pwede iuwi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hon may Album Launch pa ko mamaya sa SM Fairview di mo pa po ko pwede iuwi."

Sabi ko sa kanya ng natatawa. Mukhang nalimutan nya ata.

"I know. But I miss you already. Since pag-uwi mo from London di pa tayo nagkikita. Ang busy mo ih."

Humarap ako sa kanya. Hinarap ko din sya sakin. I cupped his cheek and kiss him on the lips.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon